The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

Natatanging Gawad Urian

  • warning: Creating default object from empty value in /home/manunuri/public_html/modules/taxonomy/taxonomy.pages.inc on line 34.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.

  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Natatanging Gawad Urian kay ANITA LINDA

Ang aktres kapag kasibulan at nasa tuktok ng kasikatan ay malamang na kumilos na parang prima donnang dapat intindihin at patawarin sa kanyang problema mula sa sakit ng ngipin hanggang sa sakit ng puso at bulsa. Inaakala niyang may utang na loob sa kanya ang mundo kaya wala siyang pakialam sa iba. Kung magkaidad at hindi pa gaanong sikat, hindi niya matatanggap ang pasiya ng panahon. At siya’y magtatampo-magagalit sa mundo o kaya’y maaawa sa sarili.

Hindi ganito ang kaso ni Anita Linda (Alice Lake sa tunay na buhay), ang aktres na kinilala at hinangaan mula 1947 hanggang 1958. Ang magandang aktres na may kakayahan sa pag-arte ay nagbalik noong dekada 1970 – walang star complex mahusay pa rin at lalong propesyunal sa kanyang pananaw sa industriya.

Para sa kanya, ang mga taong kasangkot sa pelikula ay dapat lamang magmalasakit sa industriya at sa isa’t isa. Ayaw niya ng artistang nambibitin ng syuting; ng di mainam na trato sa crew at ekstra; ng kulang at di hustong bayad sa serbisyo ng kapwa manggagawa sa pelikula. Ang ganitong pananaw ay hindi sinasadyang nakaaapekto (pumatay at bumuhay) sa kanyang karera bilang artista.Read more

Natatanging Gawad Urian kay LAMBERTO V. AVELLANA

Si Lamberto V. Avellana ay haligi ng pelikulang Filipino at isa sa iilang nabubuhay ngayon na nakasaksi sa naging pag-unlad ng pelikula sa ating bansa. Unang nakilala si Avellana bilang direktor ng mga dula sa Ateneo de Manila, kung saan siya nagtapos ng Bachelor of Arts degree noong 1938. Noong 1939, itinatag niya, sa tulong ng kanyang maybahay na si Daisy Hontiveros, ang Barangay Theater Guild, na siyang nanguna sa pagpapalabas ng lehitimong dula sa bansa.

Pumasok si Avellana sa pelikula nang katatatag pa lamang ng unang mga istudyo. Kinikilalang panandang-bato sa kasaysayan ng pelikulang lokal ang una niyang pelikulang Sakay (1937) na, sa paglalarawan na rin ng kritikong si T.D. Agcaoili ay siyang nagsimula ng "tunay na mapanlikhang pelikulang Filipino, na gumagamit at nagsasanib sa pelikula ng ilang elemento ng makabagong pamamaraan at pagsusulat ng dulaan, na matagal nang kailangan ng pelikulang Filipino."Read more

Natatanging Gawad Urian kay MANUEL SILOS

Ni AGUSTIN SOTTO

Kung naaabot na ngayon ng industriya ng pelikulang Pilipino ang kasanayan sa teknik at lengguwahe ng pelikula, ito ay utang sa mga taong nanguna upang umunlad ang pelikula. Isa sa mga taong ito ay si Manuel Silos – actor, direktor, manunulat, musiko, tekniko, at imbentor – na ang apatnapung-taong buhay sa pelikula ay sakop ang panahon ng silent at talking pictures.

Ipinanganak noong Enero 1, 1906, ang ama’y musiko na nagtatag ng isa sa mga unang istudyo ng retrato sa Maynila, si Manuel Silos ay namulat ng maaga sa potograpiya. Ikaapat siya sa pitong anak – magiting na pamilyang kinabibilangan nina Luis Silos (soundman), Octavio Silos (direktor), Cesar Silos (cinematographer), at Augusto Silos (labman).

Noong 1927, dinirehe ni Manuel Silos ang isang 16mm silent film na hango sa isang almanac comic strip na pinamagatang “Tres Sangganos.” Pagkatapos, ginawa itong serye na may tatlong parte na ang pamagat ay “The Three Tramps.” Ang magkakapatid na Silos ang gumanap, kumuha, nag-edit, at nagtapos ng pelikula sa isang pansamantalang laboratoryo.Read more

Natatanging Gawad Urian kay MANUEL CONDE

Ni AGUSTIN SOTTO

Pelikulang pandaigdig din ang pelikulang Pilipino, at napatunayan na ng ating mga direktor na maaabot nila ang mga pamantayang internasyonal sa paggawa ng pelikula. Isa na sa mga direktor na iyan si Manuel Conde, na sa loob ng apatnapung taon ng dibdibang paglikha at pagpapasimuno ay may malaking naiambag sa pag-unlad ng pelikulang Pilipino bilang isang sopistikadong sining.

Manuel Urbano sa tunay na buhay, isa siyang filmmaker na may kakayahan sa iba't ibang aspekto ng paggawa ng pelikula. Siya ay aktor, scriptwriter at direktor ng kanyang mga pelikula, at kapag atubili ang isang istudyo sa pagsasapelikula ng materyal na hindi komersiyal, siya na rin ang prodyuser. Bunga ng pagsasanib ng kapangahasan, tapang at sari-saring talino, siya ay maituturing na tagapagpauna sa ilang aspekto ng sining at pamamaraan ng pelikula.Read more

Natatanging Gawad Urian kay GERARDO DE LEON

Ni AGUSTIN SOTTO

Maraming namamangha sa industriya ng pelikulang Filipino. Nagtataka sila kung paano nakagagawa ng mahuhusay na pelikula sa kakapiranggot na badyet, lumang kagamitan, at limitadong commercial market. Kung paano nakagagawa ng mga pelikulang klasiko ang Filipino sa mga kondisyong ito ay utang sa kanyang pagkamalikhain at pagkamautak.

Isa sa mga Pilipinong ito ay si Gerardo de Leon, o Manong sa kanyang mga kasamahan sa pelikula. Sa loob ng apatnapung taon, nakagawa siya ng humigit-kumulang sa pitumpong pelikula karamiha'y maituturing na klasiko.

Ang Daigdig ng mga Api, Noli Me Tangere, El Fili-busterismo, Sisa, Tayug (Ang Bayang Api), Hanggang sa Dulo ng Daigdig, Dyesebel, Ifugao, at The Moises Padilla Story ay ilan sa kanyang mga natatanging pelikula.

Ang kanyang sining ay napagyaman sa puwersa ng ekonomiya. Dahil sa bigat ng gastos sa paggawa ng pelikula, ginamit niya ang kanyang kaalaman at likas na talino upang makalikha ng mahuhusay na pelikula, kundi man mga klasiko.Read more

Natatanging Gawad Urian kay MANUEL DE LEON

Ni CLODUALDO DEL MUNDO, JR.

Sa souvenir program ng ikalabintatlong anibersaryo ng LVN Pictures, Inc., mababasa ang ganitong pagbati ni Donya Sisang, executive producer noon ng LVN: "Pinararating ko rin sa madlang manonood ang aking mataos na pagkilala ng utang na loob sa kanilang walang sawang pagtangkilik sa mga pelikula ng LVN. Sa tuwina'y magiging panata namin ang sila'y bigyan ng kasiyahan upang maging karapatdapat kami sa kanilang pagtataguyod." At sa souvenir program naman ng ikadalawampung anibersaryo ng LVN, mula rin kay Donya Sisang: 'Kung hindi ninyo tinangkilik ang aming mga pelikula, ang aming mga pagsisikap, kaming bumubuo ng pangasiwaan, ay mawawalang-kabuluhan pagka't kayo lamang ang maaaring gumawa at sumira ng estudyo at mga bituin."

Natupad nga ang panata ng LVN. Sino ang makapagkakaila sa kasiyahang naidulot ng Prinsipe Amante, In Despair, Ibong Adarna, Medalyong Perlas, Wala Kang Paki? At sino ang hindi mamamangha sa "langit-langitan ng LVN"? -Rogelio de la Rosa, Carmen Rosales, Leopoldo Salcedo, Celia Flor, Tony Arnaldo, Rosa Rosal, Nida Blanca, Charito Solis, at marami pang iba.Read more

Syndicate content