Filmography
Aguila
Daniel Aguila, a Filipino born in 1892, confronts and recoils from the weakness he sees among Filipinos at critical periods in our history. As a boy, he sees his revolucionario father betrayed by the man who eventually becomes his stepfather. As a young officer in Mindanao, he protects his stepfather who has come to grab lands from the Muslims, who retaliate by killing his mother and step-brother. He also has a son by a Muslim lass, whom he is forbidden to marry. As a PC officer, he gets involved in a legal tussle between an anti-American mass religious sect and the pro-American town-elite. He then meets a fast-talking iady iawyer, whom he eventually marries. As a USAFFE officer, he allies with a Huk leader to get much-needed supplies in a Japanese-held town but sees this leader treacherously captured by the Americans. In his middle age, he keeps a mistress and sees his eldest son turn into a corrupt senator, who uses blackmail to silence an activist group that exposes his corruption. In his old age, he leaves his family to work for the Aetas in the mountains.
Jaguar
May gayuma ang daigdig ng mayroon. Siya ay wala. Pinilit ni Poldo Miranda (Phillip Salvador) na maakyat ang pinapangarap na daigdig. Mula sa pagiging guwardiya o jaguar sa lengguwahe ng panahon, naging alalay siya ng kanyang amo (Menggie Cobarrubias). lyon ang kanyang pasaporte — ang masabing kabungguang-balikat ng mga maykaya — kahit na sa tingin ng ina (Anita Linda) ay inaalila lamang siya ng mga ito.
Minsa'y naipit si Jaguar sa banggaan ng kanyang amo at ng dating kaibigan nito (Johnny Delgado). Napatay ni Jaguar and huli. Noon niya natutuhang hindi pala siya matatanggap ng pinapangarap ng daigdig. Sa kanyang pagtatago, isa ring tulad niya (Amy Austria) na katawan naman ang puhunan sa kahirapan, ang nagmalasakit. Ngunit may hangganan ang lungga at pangarap. Nagwakas sa bilangguan ang pangarap ng isang guwardiyang nagtangkang takasan ang daigdig ng kahirapan.
Ikaw... at ang Gabi
Isa sa mga tagapakinig ng popular na disc jockey sa radyo na si "Midnight Blue" (Ronaldo Valdez) ang isang maybahay na nagpapakilala sa taguring "Lonesome Me" (Beth Bautista). Madalas tumawag at humiling ng paboritong awit sa D.J. si "Lonesome Me" at di nagtagal ay napagkatuwaan ng dalawang magkita at magkakilala. Nasa lalawigan noon ang asawa ng babae, si Tommy (Dindo Fernando), na mabilis ang pag-asenso sa kanyang pinagtatrabahuhan; ang kasintahan naman ni "Midnight Blue" na si April (Chanda Romero) ay naglalakbay sa ibang bansa.Read more
Aliw
Matapos ang magulong maghapon, may mga taong pagod ang katawan at isip. lyon ang oras ng paglilibang, ng paghahanap ng aliw. Sina Lorna Tolentino, Suzette Ranillo at Amy Austria ang ilan sa mabiling paninda. Sa oras ng trabaho'y nakangiti, masigla at masaya nilang kinakarinyo ang mga parokyano. Ngunit iyo'y isang bahagi lamang ng kanilang maghapon.
Tulad ng ibang tao, may iba pang yugto ang kanilang buhay. Sa simula'y isang nagigipit na walang malay; siya si Lorna. Isang praktikal na tao kaya, na nagbabakasakaling kung isasabay ang trabaho sa pag-aaral at pagnenegosyo o pagkabit sa isang mayaman ay makaahon din sa kinalalagyan, ganito si Amy. Isang bigo sa pag-ibig at mistulang "babaing ama" ng tahanan na nakasalalay sa pagtitinda ng katawan ang ikabubuhay sa araw-araw, ito si Suzette. Mayroon ding niluma na ng panahon, na gusto mang tumakas ay huli na — sila ang mga katulad nina Laura Danao na sa drugs naghahanap ng sariling aliw, si Ruthie Roces na nawalang parang bula, at marami pang iba. Silang lahat ang bumubuo ng pinagtagpi-tagping kasaysayan ng nakakubling magdamag... sila ang nagtitinda ng Aliw.
Pagputi ng Uwak Pagitim ng Tagak
Kuwento ng magkasintahang pinaghiwalay, na ipinaloob sa isang panahong dinadaluyong ang lipunang Pilipinong rebelyong Hukbalahap. Iyan ang buod ng 'Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak'. Dekada ng 1950 noon, at sa pista ng matandang bay an ng Santa Ines ay nagkatagpu-tagpo sina Julie Monserrat (Vilma Santos), Dido Ventura (Bembol Roco) at Maestro Juan Roque (Joonee Gamboa). Mula sa mayaman at makapangyarihang pamilya si Julie, isang ulilang pinalaki at pinapag-aral sa Maynila ng kanyang mga tiyang matandang dalagang sina Beatriz (Adul de Leon) at Miguela (Angie Ferro). Si Dido ay maralitang binatang ang Ina (Mona Lisa) ay may iwing poot sa mga Monserrat na kumamkam sa kanilang lupain at naging dahilan ng kanilang paghihirap. Si Maestro Roque naman ay kilalang kompositor at biyolinista na umuwi sa Santa Ines upang tapusin ang kanyang sarsuwelang pinamagatang "Pangarap ng Bagong Umaga."Read more
Ikaw ay Akin
Ang 'Ikaw ang Akin' ay tungkol sa isang paboritong paKsa sa ating puting-tabing: ang trianggulo ng pag-ibig.
Si Rex (Christopher de Leon) ay batambatang tagapamahala ng isang pagawaan ng dyipni. Limang taon na silang magkatipan ni Tere (Nora Aunor), isang dalubhasa sa paghahalaman. Mapayapa at maayos ang kanilang pagsasama hanggang makilala ni Rex si Sandra (Vilma Santos), isang designer.
Nagsimulang magkaroon ng sigalot ang pagsasama nina Rex at Tere. Hindi makapagpasiya si Rex kung sino ang pipilijn sa dalawa na kapwa naging matimbang sa kanya.
Sa huli, nataios ni Rex na ang pag-ibig at pag-aangkin sa isang nilalang ay isang masalimuot na damdaming hindi nararapat sarilinin ng isang tao lamang.
Hindi Sa Iyo Ang Mundo, Baby Porcuna
Halaw sa tunay na pangyayari, isinasaad ng 'Hindi sa Iyo ang Mundo, Baby Porcuna' ang buhay ng kapatid na babae ni Boy Golden, isang kilalang maton noong 1960's.
Si Baby Porcuna (Elizabeth Bautista) ay isang mananayaw ng burlesk sa tanghalang pinamamahalaan ni Cris (Dick Israel).. Nahahalayan sa hanapbuhay ng kanyang kapatid, kinuha ni Boy (Anthony Alonzo) si Baby habang nagsasayaw sa tanghalan, at iniuwi sa apartment na kanyang tinutuluyan upang ilayo kay Cris kahit may anak na si Baby rito.
Nakilala ni Baby si Tommy (Joseph Sytangco), isang mang-aawit sa tanghalan ni Cris. Nanligaw si Tommy at nag-alok ng kasal. Matapos matuklasan ni Baby ang pakikipag-ulayaw ni Cris sa ibang babae, nabuo ang kanyang pasyang iwanan ito at magpakasal kay Tommy.
Naging maunos ang kanilang pagsasama dahil sa kaugnayan ni Baby kay Boy Golden at sa magulong pamumuhay nito. Ang pakikipag-alitan ni Boy dahil sa dalawang babae, kina Emma (Josephine Garcia) at Susan (Suzanne Gonzales) ang naging sanhi ng kanyang kamatayan.Read more