The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

RICHARD ABELARDO: Eksperto sa Visual Effects

  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Ang mga nag-iibang kulay ng pinintang ibon at mga prinsipeng nagiging bato sa Ibong Adarna, ang tulayan sa pagkalalim-lalim na butas sa Prinsesa Urduja, ang kastilyo sa hangin sa Prinsesa Basahan, ang pagpapalit-anyo ni Jaime de la Rosa sa Taong Paniki, ang pagbuka ng dagat sa Tung-kod ni Moises, at ang rumaragasang halimaw sa Tuko sa Madre Kakaw. Ilan ito sa mga pamana sa ala-ala na nilikha ni Richard Abelardo.

Ekspertong numero uno sa visual effects si Richard Abelardo, o Mang Kandong sa mga kapalagayan niya ng loob. Namuno siya sa special effects (SFX) noong matatapos na ang dekadang '30s, bagay na itinuro niya at ipinasa sa mga kamag-anak na umangat din sa larangang ito bilang importanteng artists: ang bayaw niyang si Teody Carmona, kapatid na si Bayani Abelardo, at pamangkin na si Benjamin Resella. Ipinanganak si Richard noong ika-29 ng Setyembre, 1902 sa Bulacan. Itinuro sa kanya ang sining ng pagdidisenyo sa entablado ng kanyang amang si Juan Abelardo, na bantog na iskultor at scenic artist nang panahong iyon at siya ring gumawa ng monumento sa Biak na Bato. Dinisenyo ng matandang si Juan ang mga backdrop sa zarzuela at iba pang pagtatanghal sa entablado, na kadalasa'y sa Zorilla at iba pang sikat na teatro pinalabas.

Naging scenic artist siya sa isang photo studio nang siya ay batam-batang teenager. Ang scenic artist ang siyang nagdidisenyo at nagpipinta ng telon sa likuran ng mga artista sa entablado, upang magpakita ng iba't ibang tanawin at kinalalagyan ng mga ito. Kinomisyon siya na gawin ang sets ng isang pelikulang walang tokis, na kinukunan noon ni Ricardo Marcelino. Hindi nga lamang natapos ang pro-duksyong ito, pero nagpursigi si Richard na tumungo sa Hollywood.

Naging musikero rin si Richard, at saxophone ang kanyang instrumento sa orkestra ng kanyang pinsang-buong si Nicanor Abelardo. Nagprisinta rin siyang musikero sa isang banda na tumutugtog noon sa isang barkong pampan-gulo. Nagpaiwan siya sa San Francisco, at mula roo'y puma-Hollywood siya noong 1923.

Dahil sa kanyang kakayahan, naging kasapi ang estranghero sa Union sa Hollywood, at nakasama sa ilang produksyon ng Warner Brothers at Universal Pictures, llan sa mga pelikulang nasalihan niya ang The Cat and the Fiddle, Footlight Parade (1933), One Night of Love at ang klasikong Modern Times ni Charlie Chaplin noong 1936.

Bumalik siya sa Maynila noong 1936 upang dalawin ang mga magulang na may karamdaman. Inanyahan siya ni Vicente Salumbides na sumali sa Florante at Laura noong 1937. Sa pelikulang ito siya gumawa ng isang mistulang napakalaking palasyong bilugan ang bubong. Nagtrabaho siya sa X'OTIC nang magbukas ito noong 1939. Pinatawag siya ng kanyang kababayang si Dote Sisang upang gawin ang Ibong Adarna. Ginamit niya sa pelikulang ito ang background projection, ang paggamit ng pinalaking image na nanggagaling sa ilaw. Inintrodyus din niya sa atin ang paggamit ng crane sa pelikulang Palaris.

Pagkatapos ng digmaan, minabuti niyang tumira sa Pilipinas, bilang kasapi sa Palaris Productions, ang kumpanya ni Fernando Poe Sr. Pinamahalaan ni Abelardo ang una niyang pe-likula sa Palaris, ang Malikmata (1948), kung saan bida si Jaime de la Rosa. Kinuha siyang muli ni Dote Sisang upang pamahalaan ang Engkantada para sa LVN, isang pelikulang tungkol sa pagkakatuklas ng mga archaeologists sa engkantadong kaharian ng Mu, na pinamumunuan ng isang lider na maraming siglo ang tanda, si Lilia Dizon. Malaking tagumpay sa takilya ang huling pelikulang ito ni Lillian Velez. Kilala na siya bilang direktor, pero tuluy-tuloy ang paggawa niya ng special effects para sa ibang pelikula. Noong 1950, katulong siya ng batikang direktor na si Fritz Lang sa An American Guerrilla in the Philippines. Sadalawang pelikulang pinamahalaan niya, ang Haring Kobra at Higit sa Korona, nakipagtulungan kay Abelardo ang napakahu-say na artist, na si Botong Francisco.

Para sa Haring Kobra, na nagaganap sa isang bansang maka-pantasya na nasa ka-timugan ng Pilipinas, gumawa si Abelardo at Francisco ng mga stupas at iba pang gusaling tulad ng nakikita sa Bali. Para sa Higit sa Korona, lumikha sila ng Ehipto nang panahon ng mga Paraon.

Nagtulungan din ang dalawa sa mga engrandeng pelikula ng LVN, na pinamahalaan ni Gregorio Fernandez at Lou Salvador Sr. Sa Doce Pares, makikita ang isang palasyong Moro sa itaas ng Intramuros. Sa Rodrigo de Villa at Prinsipe Teftoso, gumamit sila ng mga matte ng mga kaharian noong Middle Ages.

Inintrodyus din ni Abelardo ang prosthetics sa mabuhok na mukha ni Jaime de la Rosa sa Taong Paniki at sa higanteng tuko sa Tuko sa Madre Kakaw. Para sa Big Shot, nag-imbento siya ng isang espesyal na paraan ng trick photography, na nagpapakita ng mga mananayaw na nakatuntong sa kisame.

Bukod sa mga pelikula, dinisenyo rin ni Richard ang ilang produksyong pang-teatro, katulad ng mga pagtatanghal ng Barangay Theater Guild ni Lamberto V. Avellana.

Malinaw na pinayaman ni Richard Abelardo ang pelikulang Filipino.

(Sinalin sa Filipino ni Mario A. Hernando)