The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

Riddles of my Homecoming (Ang mga Tigmo sa akong Pagpauli): Mga Gunita ng Manlilikha sa Mindanaw

  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Ni Bienvenido Lumbera

Pinamagatang Riddles of My Homecoming (Ang mga Tigmo sa Akong Pagpauli) ang pinakabagong pelikula ni Arnel Mardoquio. May maiksing paliwanag bago magbukas ang pelikula: sa mga lumad daw ng Mindanaw, may paniwala na pag namatay ang isang tao, bumabalik ito sa bayang pinanggalingan. Walang diyalogo ang pelikula ni Mardoquio, mga larawan lamang ang inilalatag habang dumadaloy ang pelikula. Hindi ipinakikilala ang mga tauhan, basta na lamang sila lumilitaw at gumagalaw na tila may kuwentong nais ipamalay sa manonood. Tila silent movie noong unang panahon, pero, kaiba sa silent movie noon, walang inter-titles na nagpapaliwanag sa pag-uugnayan ng mga tauhan sa isa’t isa.

Ang manonood na nasanay sa mga pelikulang talkies ay iniiwang nagtatanong at pinipilit na paghanapin ng ugnayan at kahulugan sa mga nagaganap sa telon. Riddles (mga bugtong) ang nasa pamagat kaya’t pinag-iisip tayo, at ang kasagutan na ipinauubaya sa atin ay humahamon na humango tayo sa realidad na kilala na natin, ng paliwanag na maitatapat naman natin sa mga tagpong inihaharap sa atin ng pelikula ni Mardoquio.

Mapangahas itong bagong pelikula ni Mardoquio. Ang Riddles ay humihingi ng masusing atensyon sa pangkalahatang manonood na madalas ang hanap sa sine ay aliw lamang. Sa kanyang naunang mga pelikula, pagsasalaysay ang pangunahing ginagawa ng iskrip. Kung may naiiba sa mga iyon, nasa pahiwatig ng mga politikal na isyu kung hindi man tahasang pagtalakay sa mga sosyo-kultural na sitwasyon sa Mindanao. Dito sa Riddles, ipinagkatiwala ng direktor ang pagsapol sa sinasabi ng pelikula sa kaalaman ng manonood sa mga pangyayari sa Mindanao na galing sa babasahin o panoorin sa telebisyon. Tunggalian ng mga Muslim at Kristiyano. Paghahamon ng militar at mga puwersang laban sa pamahalaan. Karahasang likha ng away ng mga politiko. Pagkamkam sa lupain ng mga lumad. At marami pang mga dahilang hindi ganap na nalilinaw ng midya.

Walang iisang tema o sitwasyon na sinusubaybayan ang Riddles, kaya’t mahirap lagumin kung ano ang layunin ng pelikula. Ang madaling matandaan ay ang mga tagpuan, tulad ng mabatong pampangin, gubat ng mga dambuhalang puno, ang mabining tubig ng karagatan. Nariyan ang malagim na larawan ng mga bangkay, mga biktima marahil ng panunupil. May mga tagpo ng seksuwal na ugnayan ng lalaki at babae, ng hubo’t hubad na babae at kapwa babae. At may ulan ng mga buhay na isda na magulong pinag-aagawan ng mga tao. Ano sa kabuuan ang kahulugan ng mga larawang ito? Sa dakong huli ng pelikula, isang tauhang pumapel sa ilang naunang sitwasyon, ang tila ipinupuwesto ng direktor na sentral na karakter. May bitbit siyang maletin na kargado ng perang paper bill. Isa ba siyang OFW na taga-Mindanao? Bakit isinabog niya sa mga di-nakikitang humihingi ang mga paper bill na laman ng kanyang maletin? Tinutukso tayong balikan ang nasabing tauhan sa mga naunang episodyo. Sa unang paglabas niya, tila istranghero siyang napaligaw sa lugar. May tagpo na nagpakita sa kanya bilang mataas na pinuno ng isang kulto. At sa isang eksena, nakita natin siyang nagpepenitensiya.

Kanino nga ba ang mga gunitang inilatag ni Mardoquio sa kanyang pelikula? Ang iskrip ng Riddles ay likha ng direktor mismo kaya’t si Mardoquio lamang ang makasasagot sa tanong. Napakahusay ng disenyong pamproduksiyon, kahanga-hanga ang sinematograpiya at tunay na mainam ang pagganap ng mga bituing itinampok. Para sa mga kritikong maunawain sa mga sumpong ng mga bagong manlilikha ng pelikula, maaaring sapat na ang mga namumukod na katangiang teknikal ng Riddles. Subalit para sa maraming karaniwang manonood, baka gugustuhin pa rin nilang masagot ang tanong tungkol saa kahulugan.