The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

Posas: Silang Ipinosas sa "Posas"

  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Ni Benilda S. Santos

Muli pang pinatunayan ng pelikulang indie sa Posas ni Lawrence Fajardo kung paanong ang isang walang paligoy-ligoy, payak, mahinahon, siksik, matalas, matinik, malinis, at malutong na produksiyon ay tagumpay na naging landas ng pag-unawa sa hunyangong realidad ng kasalukuyang panahon nang hindi pinagdidiinan kung ito nga ang landas na higit na tuwid kaysa ibang patuloy na nililikha at inihaharap sa bayan bilang tatangnang moral at panukat ng realidad. Sa halip, piniling tistisin ng tuwirang naratibo ng Posas ang mga larong kinasangkutan ng mga tauhan sa loob at labas ng institusyon ng batas at ng mga tagapagtatag nito.

Pamilyar ang pambungad na pangyayari sa pelikula sapagkat bahagi na rin ng pang-araw-araw na buhay ng mga tagalunsod. Walang iba kundi ang pang-aagaw/pagnanakaw ng cellphone samantalang nasa kalsada ng lunsod. Tinangay ni Jestoni Biag o Jess (Nico Antonio) ang cellphone ni Mary Grace Rosuello (Bangs Garcia), isang empleyado ng call center, samantalang abala ito sa pagtawag sa isa pa niyang cellphone. Nahuli ng dalaga sa akto ang snatcher, at sumunod ang maatikabong habulan dahil nasa SIM pala ng cellphone ang mga detalyeng personal na namagitan sa kanila ng kanyang kalaguyo na may asawa at pamilya na. Samantala, agad dinala ni Jess ang nakulimbat sa bumibili/nagbebenta ng nakaw na alahas at cellphone. Pagkaraan, iniamot sa pinagbilhan ang ina at ang kapatid na naninirahan sa ilalim ng tulay.

Napilitan si Grace na dumulog sa pulisya yaman din lamang na hindi mapapalagay ang kalaguyo kapag hindi ito nabalik kay Grace. Isinalaysay niya ang mga pangyayari nang parang bahagi siya ng reality TV: kung saan siya nakatayo nang maramdaman niya ang pagkadukot sa cellphone sa bag niya, ang pagkakita niya sa lalaking nakaputi na siyang gumawa ng krimen, at ang paghabol niya dito. Sinamahan siya ni Inspector Domingo (Art Acuña), at sa tulong nina PO1 Damian (Nor Domingo), at SPO1Santiago (Jake Macapagal), nasundan nila at nahuli si Jess, pinosasan, at dinala sa presinto upang isagawa nang pormal ang interogasyon at imbestigasyon.

Suwabe ang pag-arte ng mga pulis sa bahaging ito (at sa lahat ng maselang bahagi ng Posas). Hiningan sila ng direktor ng pelikula ng sapat lamang na indikasyon sa pamamagitan ng pagkumpas, padaplis na biro, o maiikling tinginan upang makilala ng manonood ang karaniwang pagkilos ng pulis sa mga gayong sitwasyon. Si PO1 Damian, halimbawa, ay laging nauunahan ni SPO1 Santiago sa paglapit kay Grace subalit halos pabulong na pansin lamang ang maririnig sa kanya tungkol dito. Si SPO1 Santiago ay laging maliksi sa pagtugon sa mariing “Santiago!” ni Inspector Domingo sabay bigay dito ng utos kung ano at kung paano ito gagawin. Kahit may pahiwatig na kayang-kaya nilang umastang berdugo, iniimpit o pinipigil nila ang paglitaw ng anumang palatandaan ng kalupitan upang manatiling patag lamang ang kabuuang dating nila sa manonood. May impresyon tuloy na dinidisiplina nila ang sarili upang lumabas na ang bawat kilos at galaw nila ay umaayon sa sinumpaang, To Serve and To Protect, na nakatatak sa katawan ng kanilang sasakyan, at hindi kumokontra sa mahabang deklarasyon ng kanilang Vision/Mission Statement na nakabandera sa dingding ng estasyon. Higit sa lahat, ang bawat kilos nila lalo’t kaharap ang nagrereklamong mamamayan ay kailangang lumabas na sumasalamin sa daang matuwid at wasto nang hindi pilit kundi natural, hindi mabigat kundi magaan, o iyong hindi kakikitaan kaunti man ng police brutality.

Kaya naman maingat ang mga pulis sa pagsunod sa de-numerong proseso ng imbestigasyon na sinusundan ng pagdadala ng demanda sa piskal, at ang pagpirma ng lahat ng kinauukulan sa bawat pahina at bahagi ng dokumentong legal. Sa parteng ito hayag na hayag ang epektibong dialogo sa Posas. Dahil mabigat ang pagdepende ng pelikula sa pagtatatag ng naratibong hindi tradisyonal o eksklusibong pansine kundi nahahawig din sa isang dokumentaryo, ang tinig ng mga tauhan ang naghahatid sa manonood ng natatanging uri ng pagdama, pag-ayon o hindi pag-ayon, sa nasasaksihan, o kaya, ang pagkagising ng mga alaalang nagmumula sa sarili niyang karanasan, o mula sa bahagi ng mga nakaraang pelikulang napanood niya.

Ang salimbayan ng mga tinig sa Posas ang nagsisilbing matalas at masalimuot na palitan ng mga posisyon o espasyong kinatatayuan ng mga tauhan. Ito rin ang nagiging konkretong larawan ng mga balangkas ng buhay nila, ng mga prinsipyo o simulain na kanilang sinusunod o tinutupad. Sa ganitong paraan, “nakikita” ng manonood ang mga abstraktong puwersa, at natututuhan nilang sakyan ang inihahayag ng mga posisyong ito, at malaya nilang napipili ang kanilang panig sa debate o tagisan ng mga interes. Ang higit na malungkot ay ang kanilang pag-uwi sa kalagayang nahahawig sa catatonia, hindi dahil sa matinding damdaming negatibo tulad ng pagkasuklam, kundi dahil sa pagsuko sa buhay ng isang nananatiling nakaposas bagaman inalis na ito sa kanyang kamay.

Binabagayan naman ang salimbayang ito ng mga tinig, ng isang sinematograpiya kung saan hindi timplado ang pagsabog ng liwanag. Maaliwalas ang mga eksena sa pelikula: puno ng sari-saring kulay tulad ng mga nakakawalang lobong nasagi ng paghabol ng pulis kay Jess samantalang nagpipilit takasan ang batas. Wari inihihiyaw sa mukha ng manonood, “Hoy! Wala kaming itinatago rito! Wala ritong anino ng anuman! Nakita mo ang nakita mo!”

Saka ipinakita nang walang seremonya ang sapilitang pagpapaamin ni Inspector Domingo kay Jess sa pagkabog ng una nang ilang ulit sa huli samantalang nakahiga sa isang bangko at pigil-pigil ng isa pang pulis. Nang ayaw pang umamin ni Jess, pinasakan ng basahan ang kanyang bunganga, tinakpan ang kanyang mukha, at saka unti-unting binuhusan ng tinabong tubig ang bahagi ng basahang nakatakip at nakatapat sa kanyang ilong hanggang sa aminin din nito ang krimeng tunay namang ginawa niya.

Pagkaraang maisauli ang nakaw na cellphone sa may-ari nito, at sa gayon mapawalang-bisa ang krimen ni Jess, pinadaan siya sa huling yugto ng pagdakip at pagpapalaya sa ilalim ng direksiyon ni Inspector Domingo. Dinala siya ng mga pulis sa isang parang kubkob na silid na kinalalagyan ng ilang kulungan ng mga manok na pansabong. Nakahilata roon ang isang lalaking duguan ang labi, at nakatali (o nakaposas) sa isang tila barandilya. Umiingit ang lalaki; wari iyon na lamang ang magagawa niya dahil sa tinanggap na pahirap ng kanyang katawan. Kinuha ni Inspector Domingo ang kanyang baril, inalis dito ang lahat ng bala, ibinalik ang isa lamang saka iniutos kay Jess na itutok ang sandata sa lalaki, at kalabitin ang gatilyo. Sa gitna ng tilaukan ng mga tandang, pumuslit ang bala, at pinatahimik nito ang lahat.

Samantalang papalabas na si Jess sa presinto, ipinaalala sa kanya ni Inspector Domingo ang utang nito sa pulis. Nagpatuloy sa paglakad si Jess, laylay ang balikat, wari multong nakaputi na sumasabay sa sari-saring kulay sa labas.

Bigla, ibinalik ng eksenang iyon ang manonood sa kapaligiran ng Simbahan ng Quiapo sa pelikula naman ni Brilliante Mendoza, ang Kinatay (2009). Doon sa lugar na sumaksi sa pag-eentrega ni Peping (Coco Martin) ng kinolekta niyang kotong sa isang bataan ng grupo ng mga pulis. Maaalala kung paanong nagsimula ang Kinatay sa maaliwalas na umaga ng kasal ni Peping, isang estudyante ng Criminology na nais magpulis. Isinama ng kaibigan si Peping ng hatinggabi ring iyon sa pagsaksi sa pa-chop-chop na pagpaslang ng mga pulis sa babaeng nagtatrabaho sa isang club pagkaraang halayin ng isa sa kanila. Ang dahilan: hindi ito makabayad ng utang sa kanila. Beinte-kuwatro oras ang tinakbo ng buhay ni Peping sa Kinatay. Nagwakas ang pelikula sa kasunod na umaga na maaliwalas din. Hindi na ipinakita kung paano muling haharap si Peping sa kanyang asawa pagkaraan ng kahindik-hindik na magdamag na iyon.

Samantala, kalahating araw lamang, humigit-kumulang, ang tinakbo ng buhay ni Jess sa Posas. Sandakot na oras ng labis-labis na pag-iingat na panatilihing walang gusot o kusot ang uniporme ng pulis, ng pagsasakit na pamayanihin ang maaliwalas na ibabaw lamang, at ang paglikha ng buhay na hindi kumikilala sa anumang anyo ng lalim.