The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

Porno: Nag-Uumapaw na Sex sa Bangkaroteng Mundo

  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Ni Rolando B. Tolentino

Magkakasalikop na buhay sa isang bangkaroteng lipunan ang sinasambit ng pelikulang Porno. At ang nagtatahi sa mga buhay ay ang marahas at komersyal na spero ng sex at entertainment. Sa sperong ito nagkakaroon ng virtual at angat na tunay na buhay ang mga tauhan: gun-for-hire mula sa preso, porn dubber, at transgender na performer. Epektibo ang pagganap nina Yul Servo, Rosanna Roces, Angel Aquino, at Carlo Aquino; maging ang sinematograpiya, editing, at direksyon.

Ang referensiya ng pagsasabuhay o karanasan sa buhay ng mga tauhan ay ang integral na element ng fantasya, o ang paglinang sa aktwal at historikal na buhay at karanasan sa poder ng imahinaryo: ang fantasya ng pag-asa. Pag-asa na bubuti (pa) ang buhay, pag-asa na ang kinabukasan ay maganda na, pag-asa na liligaya (rin).

Umaasa dahil sa kawalan at kabangkarotehan ng kasalukuyan, na nakaangkla sa kawalan at kabangkarotehan ng mabahang nakaraan. Umaasa rin dahil may hibla at labi ng humanidad sa buhay na tumutukoy sa subersibong potensyalidad, hindi ng said na nakaraan at kasalukuyan, kundi ng isang bukas na iba naman.

At ito lang ang makitid na parametro ng pag-asa, “sa kuko ng liwanag,” ika nga sa ibang pelikula. Kahit pa mas mananatiling ganito pa rin kaysa iba naman, ang subersibong tao ay namumuhay at nakikibaka sa bangkaroteng mundo ng nakaraan at kasalukuyan para sa pag-asang iba naman ang bukas.

Ito ang pagkapinta sa kanto ng kwarto ng sarili—at ng mundo ng sarili—isang pagsasakatuparan ng Mannichean dialectics na nagsasaad ng pagkapasok at pagkalabas, pagkabilang at hindi sa isang mundo at pamayanan ng sarili. Hindi “normal” na tao at buhay ang mga tauhan, pero ang pagiging hindi normal ang bagong normal sa bangkaroteng mundo. Paano magiging normal kung ang mundo ay hindi naman normal para sa mayoryang mamamayan?

Ang porno ay nagsasaad ng labis at kalabisan, partikular sa sex. Sa isang bansa at mundo na tulad sa atin, maituturing na porno at pornograpiko ang karanasan sa korapsyon, lantarang fasismo ng estado, nakatagong fasismo ng kulturang popular at globalisasyon, kahirapan at paghihikahos ng mayorya, at yaman ng iilan.

Gaya ng tinutumbok sa pelikula, ang anumang karanasan sa porno ay nakabalot sa isang global-lokal, transnasyonal-nasyonal na pagdanas: ang gun-for-hire na nakakalabas ng preso dahil sa proteksyon ng may finansyal at politikal na kapangyarihan, ang dubber ng porno na ang produkto at mismong buhay ay pumapaimbalot sa internet porn; at ang transgender na performer na ang buhay ay nakaangkla sa nakatatandang dayuhang mangingibig nito.

Ang nalilikha ng pagpapaloob sa bangkaroteng mundo ay ang produksyon ng mga naisantabing katawan at pagkanilalang bilang kapital na pinagtutubuan ng may aktwal na ekonomiko’t politikal na kapangyarihan. Para sa mga pinagtutubuang katawan, ang nalilikha ay produksyon ng internal na multo na multo, mga psychic na demonyo na lumilikha ng kondisyon ng posibilidad, ng sabayang pagkakulong at pag-asa.

Ang ginawa ng Porno ay isa-isahin ang lokasyon ng katawan at pagkanilalang ng tatlong tampok na tauhan, at ang hibla na nag-uugnay dito ay ang dialektiko ng labis na sex at bangkaroteng mundo. At tulad ng pagpaparaya ng kalabisan (indulgence) ng sex at tauhan sa porno film, may ganito ring pagpaparaya sa sex at tauhan sa pelikula: nakatiwangwang na ari, pagbabate, pagsesex, at iba pa.

At ito ang sinasambit na bagong malungkot na kabalintunaan ng pelikula, na hindi tulad sa porno, mas indulgent ang tauhan, sex at karanasan, mas narerealisa ang humanidad at ang subersyon ng pag-asa. Hindi pwedeng umasa sa labas ng poder ng pighati’t pasakit, karahasan at kasalatan. Na tulad ng sex at porno, ang impit na lualhati ay nasa laylayan ng kalabisan at mismong kasalatan.