The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

Oros: Pagtahak Sa Naunang Landas

  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Ni Rolando B. Tolentino

Dalawa ang pelikulang nakakuha ng aking atensyon sa Cinemalaya 2012, The Animals (Gino Santos), at Oros (Paul Sta. Ana). Ang una ay dahil may tinatahak itong bagong direksyon para sa indie cinema, ang mundo ng maykaya na may self-reflexivity sa kalabisan nito, pati ng media at social media sa pagtataguyod nito. Sa exposisyon ng kalabisan, pati ang abang uri—driver ng taxi—ay nadawit sa paglalahad ng amoral na uniberso nitong uri.

Ang huli ay dahil may tinatahak itong lumang landas, ang subalternong kahirapan, at ang pagkakulong ng mga nandito sa malawakang mundong ito sa bansa. Ang Oros ay tumatalakay ng buhay sa saklaan sa isang komunidad ng maralitang lunsod, at ang kwento ng moralidad na nangyayari sa subalternong mundo na ang patay ay maari pa ring pagkakitaan.

Hindi lahat ng pelikula ukol sa kahirapan ay pasok sa kategorya ng “poverty porn,” at hindi rin naman ang ganito lang ang prinipribilehiyado sa namamayagpag na indie cinema. Sa katunayan, angat din ang pelikulang konseptwal nina Khavn De La Cruz, Sherad Anthony Sanchez, John Torres at Raya Martin. At ang katapat ng standard na feature film ni Brillante Mendoza, na humahalaw din sa subalternong kahirapan, ay ang filmikong inobasyon ni Lav Diaz, na kontemplatibong paghihinuhua sa kahirapan, fasismo, at pagkabansa.

Ang dokumentaryo ay nagiging full-length, at mabilis na inaakyat ang posibilidad ng higit na pamamayagpag nito. Lumalalakas din ang multimedia arts exhibitions, na naglalayong gawin na usual na plataporma ang cinema sa pagsasangkap, kasama ang performance at visual arts.

Mula sa naunang pagkatalakay sa subalternong mundo ng maliitan pero malawakang sugal sa hanay ng mahihirap, ang Kubrador (Jeffrey Jeturian, 2006) na tumalakay sa ina na nakahon sa hanapbuhay na pangungubra ng taya, pati sa pagkamatay ng nag-iisang anak na lalake, ang Oros naman ay ukol sa magkapatid na lalake sa saklaan: isang nakakatanda na umaasa ang marami sa komunidad na mag-aayos ng pagsasakla sa panahon ng matinding pangangailangan ng mga ito, at isang nakakabata na iginagayak na rin sa buhay na ito.

Ang pasaporte para makapagsakla, kailangan ng bangkay. At sa subalternong mundo ng mahihirap, maraming bangkay ang maaring magamit, sa kuntsabahan ng morge at funerarya, ng mga ofisyal ng baranggay, pulis at kapitbahayan. Sa subalternong mundo ng kahirapan, madali ang buhay, at pati ang patay ay pinagkakakitaan.

Dito nakabatay ang morality tale ng Oros: na ang nabubuhay sa mundong ito ay namamatay. Hindi mahirap na mahulaan ang kahihinatnan, at kasama ito—ang staging ng final na aksyon—ang maari sanang napag-isipan pa. Ang sinematograpiya at coloring ng pelikula ay nagdobleng empasis sa subalternong mundo bilang marumi at makinang, ang atraksyon ng burak, ang putikang atraksyon.

Maari sana itong natugunan nang higit na pananaliksik sa mundo ng saklaan. Ang Kubrador ay matagumpay dahil napakaraming detalye na nakakamangha lang sa manonood kahit pa tila ordinaryo sa subalternong arena ng buhay ito: ang pagbobola ng hweteng sa gitna ng sagingan para hindi matukoy ng awtoridad, ang pagpapala sa sako ng barya-baryang taya ng mahihirap sa bahay ng sentruhan ng taya, at ang habulan ng awtoridad at pinaghihinalaan sa dikitdikit na bubungan barongbarong, bilang halimbawa.

Sa Oros umasa ang naratibo sa paghugot sa panitikan at pilosopikal na pagmumundo sa kahirapan at mahihirap. Bukod sa usual na eskinita’t tarangkahan ng saklaan, gilid ng tubigang pagtataguan, at ang randomness ng buhay at bangkay sa saklaan—na pinatingkad nga ng sinematograpiya—may kasalatan ang materialidad ng pagmumundo sa subalternong karanasan.

At ito ang obserbasyon ng isang hurado sa Cinemalaya, nagustuhan niya rin ang pelikula, pero “nakita na ito sa iba pang mga pelikula.” Ako naman ay nagustuhan ko sa apila sa aking rasyonalidad, na kung ikukumpara nga sa kasabayan nito, kasama ang pinakamahusay na pag-arte (Kristoffer King) sa Cinemalaya batch na ito, at kahit pa may ilan itong tampok na kahinaan, ay mas buo sa akin ang pelikula.

Napaisip akong mayroon nang kailangan iba pang gawin ang indie cinema na nagbabangko sa metanaratibo at mga subalternong naratibo ng kahirapan. Dahil nga ito ang naging pangunahing daluyan sa indie cinema—kasama na rin ang pelikula hinggil sa artist, musikero, manunulat at intelektwal sa isang banda; at sa kabilang banda, ang mini-komersyal na pelikula na sa liit ng budget sa indie filmmaking ay nag-a-aspire ng malaking look-and-feel—ang kahirapan na sa una’y may tagumpay na nakamit (mula sa matulaing buhay ng mga maralitang tagalunsod at katutubo ni Lamberto Avellana, at ang dramatikong paghihiganti ng abang uri kay Lino Brocka tungo sa neorealistang tumampok sa indie cinema), ay kailangang nang muling ireimbento.

At ito naman ang pagkakaintayan natin bilang manonood at ang kinakailangan nang tahakin nilang filmmaker na nagnanais ipagpatuloy ang pagpapaksa’t pagmumundo sa kahirapan. Ang kahirapan, tulad ng karangyaan, ay hindi lamang paksa kundi paraan ng pagmumundo, pagbibigay-ngalan, pagbibigay-representasyon. Ang susi sa pelikula hinggil sa kahirapan o maykaya ay hindi ang kasinupan sa paggamit sa mga elemento at stilo kundi ang kasinupan sa paglalahad ng kwento.

Ang kwento ay mayroong material na batayan, may kakilala o nabasa tayo hinggil sa mga ganitong tauhan at karanasan. Pero ang layon ng pelikula ay hindi lamang ilahad ito, pero bigyan ng sariling mundo na may kaugnayan sa pisikal, heograpikal at mental na mundo ng manonood, na mayroon ding pag-aangat sa natatanging malikhain at kritikal na direksyon ng kanyang filmmaker.

Ang filmmaker sa kasalukuyan ay hindi lamang kailangang mag-aspire maging rock star kundi malikhaing intelektwal na nakakapaghabi’t nakakapagkomentaryo sa kanyang pelikula. Ito ang tradisyon ng mga direktor na angat sa kasaysayan ng pelikula sa bansa. Ito ang atas na pinili nilang tupdin.