The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

Noy: Panalo, Patalo: Sugal ng Buhay sa Kapalaran at Eleksyon

  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Ni Rolando B. Tolentino

May scoop ang pelikula: ang footage ng kampanya ni Nonoy Aquino sa pagkapangulo. Sa unang tingin, mukhang ginawa ang pelikula para sa kampanya ni Aquino. Mayroon din namang katatohanan dito. Ang katukayong Noy (Coco Martin) sa pelikula ay jologs na naghahangad ng quickie na solusyon sa buhay, tulad marahil nang napakaraming Filipino na linggo-linggong umaasa sa lotto at serbisyo sa simbahan, El Shaddai at iba pang mega-churches.

Pinalsipiko ang diploma at credentials, pumormang journalist sa kompanyang media na pagtratrabahuan at nagbakasakali na pumusta sa ikagaganda ng buhay. Sa huli, unang nadiskubre ang kanyang kawalang-alam sa pagiging journalist (na ipagtataka kung bakit siya napasok sa inner media circle ni Aquino), at malaon, ang dispalsipikadong credentials na magtatanggal sa kanya sa trabaho.

Ang postura ng media rito ay holier-than-thou. Hindi kumikiling, walang kinikilingan. Ang karakter ni Baron Geisler ang konsyensyang ito na malabnaw dahil sa aktwal na historikal na kampanya, alam naman ng lahat ang kinilingan ng ABS-CBN, kung saan nakaugnay ang pelikulang ito. Ito sana ang sandali ng media, ang kapasidad na tumulong umangkat at tumalakay ng isyu, lampas sa personalidad na siyang sinusugo ng interes nito. Pero hindi.

Ang Noy ay nagpapahiwatig ng peryodikong sugal ng mamamayan para sa magandang kinabukasan. Hindi ito hiwalay sa naunang mga pelikula na lantaran ang sugal, tulad ng Segurista at Kubrador na hayag ang “casino capitalism” o ang kalakarang pag-aangkla ng mamamayan, lalo na ang abang mamamayan, sa sugal at kapalaran para sa magandang buhay.

Ang lakas ng Noy ay ang pagtukoy, kahit hindi ito ang intensyon, ng eleksyon bilang sugal. Sa simula at kalagitnaan ng realismo ng pelikula ay ang bigat ng lipunang Filipino: ang problema kahirapan at korapsyon ng individual, pamilya, lipunan at bansa. At ito ang sumpa ng lahat ng nagtangkang pasanin ang ganitong bigat sa pelikula—walang panlipunang resolusyong pampelikula ang makakatumbas sa in-implicate na problema. Kaya ang naging sagot ng indie cinema—“a day in the life of” o patuloy lang ng buhay, walang masinop na pagsasara ng pelikula, ang neorealismong Filipino.

Kaya sa huli, matapos mamatay si Noy, matapos magtagumpay sa eleksyon ni Noynoy, ang rekurso sa pelikula, para maisara ito, ay ang rekurso ng mainstream cinema: domestikong resolusyon na magtatagumpay ang lumpong kapatid, magte-TESDA at magiging bawas na lumpen at regular na manggagawa; ang may problema sa matang bunso ay matutukoy ng doktor at magbabalik sa pagiging mabuting mag-aaral; ang nanay ay palalampasinin na ang pag-aasawa ng Negrong Amerikano para mapabuti ang buhay ng pamilya; sila ay lilipat sa Gawad Kalinga na tahanan; at magdarasal ng rosaryo tuwing orasyon.

Ang kakatwa, ang boses ng patay, si Noy ang nagsasaad ng inaakalang awtorial na tinig para maisara sa pelikula. Siya na tinanggalan ng awtoridad ay umaasta ngayong parang may awtoridad sa pelikula gayong ang patay—maliban sa horror film—ay walang tinig, walang karapatang maging awtoridad. Hilo ang pelikula—kung gusto bang maging campaign film o hindi, maging indie ba o hindi, maging matalas ba o mapurol, manawagan ng pagbabago ng lipunan, pamahalaan o ng sarili—at sa huli nga, sa bigat ng pinasan, hindi umugma ang resolusyong tinahak.

Ang pelikula ay isang scoop sa historikal na sandali. Sinasabing wala tayong martial law na nobela sa panahon mismo ng sandali (maliban na lamang sa Dekada 70 at Bata Bata Paano ka Ginawa, mga nobela ni Lualhati Bautista) dahil mabigat pa ang trauma, hayaan munang palampasin ang init at angas ng sandali bago ito talakayin. Ang Noy ay hindi nangimi sa sandaling hinamon, kahit pa nga may ugnayang politikal ang filmikong proyektong ito. Nagkaroon ang manonood ng pagsilip sa paggawa ng pangulo, ang artifisyalidad at orkestrasyon nito, kasama ng dapat ay puso’t diwa lamang ng kandidatong isinasaalang-alang.

Sumablay ang proyekto, at narito ang kanyang subersyon. Hindi lohikal ang pagsasara ng kanyang naratibo, na napagtagumpayan ni Noynoy ang kanyang pangarap gayong si Noy, ang kanyang katukayo at milyon-milyon pang Filipino, ay ikinamatay na lamang ang pag-asa. Ang eleksyon ay isang sugal dahil ang individual at kolektibong pag-asa ang isinusugal. At ito ang parsyal na nakamit ng pelikula, ang hindi ipagtagumpay ang politikal na pagkasangkapan nito para kay Noynoy dahil nakaangkla sa fiksyonal na Noy at realidad ng mamamayan ang pananangkapang ito.

Magagamit pa nga ang pelikula para singilin si Noynoy sa kanyang paglusaw ng pag-asa, ang itinaya ng mamamayan sa kanyang pagkapanalo, kung bakit nawala at mananatiling nawawala ito sa ritwal at sugal ng eleksyon sa bansang ito. Dahil sa pagsasangkapan ng pag-asa ng mamamayan sa politiko, tulad ng isinasaad ng pelikula, tanging sa fantasya at filmiko ito matutupad. Hindi sa tunay na buhay.