The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

Mula sa Kung Ano ang Noon: Sa Pagitan ng Dalawang Paltok ng Pangungulila at Pag-unawa

  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Ni Benilda S. Santos

Naroon ang pelikula. Gumigiling samantalang isinisiwalat ang isang naratibo at ang nagsisiganap dito. Iniuuwi sa dadalawang kulay ang buhay—itim at puti, liwanag at dilim—upang maihayag ang pagiging talinghaga ng bawat larawang nakakuwadro dito; ibig sabihin, kung paano laging kumakawala ang kahulugan sa kahulugan upang mapagdugtong ang nakaraan-kasalukuyan-hinaharap sa pamamagitan ng mga larawang gumagalaw. At sa wakas, mahihinagap na ang kuwento o kasaysayan o naratibo ay sumusunod sa hubog ng pagnanais na mapaglabanan ang pangungulilang dala ng kabiguang ganap na maunawaan ang kambal na puwersa ng kalikasan at kasaysayan.

Tulad ng ilan sa mga naunang pelikula ni Lav Diaz, nagbubukas ang Mula sa Kung Ano ang Noon sa isang bulaos, sa isang bukás na landas na wari mula sa kung saan at pauwi sa kung saan. Hindi aspaltado—at lalong hindi sementado—nakikilala ang pagkalandas ng landas sa pamamagitan ng gitnang bahagi na binunutan ng mabababang halaman o damo upang maalwang madaanan ng tao at hayop. Ito iyong paghahawan ng landas kung tawagin, o iyong pag-aalis ng anumang hindi mahalagang makita ng mga mata ng manonood nang matutukan niya ang kaugnayan ng kuwento/naratibo sa pinagmulan nito, at sa layon o sadya ng kauuwian nito. Ito iyong laging itinatanong ng pelikula ni Diaz: kung narito ang pambungad na landas ng mga pangyayari, paano, at sa anong pangyayari ito magsasara? (Hindi nagwawakas ang matitindi sa mga pelikulang Diaz; nagsasara lamang, o nagdidilim ang screen ng laptop o ng sinehan, at saka mamamayani ang nakabibinging katahimikan na uukilkil sa manonood sa matagal-tagal ding panahon bago mapawi ang tila luha.)

Diyan sa landas na binuksan at hinawan lilitaw ang mga tao/tauhan. Pangunahin ang magkapatid na ulila, sina Itang (Hazel Orencio), at Joselina (Karenina Haniel) na ang buhay ay makapipiga ng hininga. Si Itang ang tagapag-alaga ng autistic na si Joselina. Nagawa niyang magmukhang baliw pa sa dilang baliw si Joselina. Pinalabas niyang nakapanggagamot ang nagpapalahaw. Ginamit niya ang kahinaan ng kapatid upang “kumunsulta” rito ang mga kapitbahay na may dinaramdam, at sa ganitong paraan, magkaroon siya ng pagkakakitaan upang mabuhay niya ang sarili at ang kapatid. Mainam na sana ang lahat kung hindi hinalay ni Tony (Roeder Camañag), ang tagaluto ng alak, ang may kapansanang Joselina, at mabuntis ito. Hindi nakaya ni Itang ang pait ng kahihiyan. (O, pait kaya ng pagkakapili ng lalaki sa kapatid na may sakit sa utak sa halip na sa kanya?) Maaring nagimbal din si Itang ng larawan ng haharaping pagkabilanggo sa isa pang yugto ng pag-aalaga naman sa isisilang na sanggol ng kapatid kaya pinangko si Joselina at ang lahat ng bigat ng sariling buhay, humangos sa dalawang paltok, at saka tumalon sa naghihintay at walang patawad na tubig-talon-tubig-dagat.

Nariyan naman ang mga tauhang pantimbang sa marawal na trahedya ng magkapatid na Itang at Joselina. Nangunguna na si Padre Guido (Joel Saracho), ang butihing pari na matiyagang nagmimisa at nangangaral sa kanyang hikahos na parokya. Siya rin ang tanging saksi ng malagim na wakas ng magkapatid na babae. Sinikap pa niyang ibalik ang mga rebelde sa mahinahong buhay. Subalit, paano naman siya magtatagumpay sa layuning ito kung mukhang laging inalmirulan ang kanyang sutana, at laging nakapagitan sa kanyang talampakan at sa lupa ang suot niyang medyas at ang suwelas ng kanyang sapatos? (Baka sakaling napigilan pa niya sa pagbulusok sa kamatayan ang magkapatid na Itang at Joselina kung siya’y nagtapak!)

Si Sito (Perry Dizon), ang magsasaka, at ang kanyang katulong-tulong na si Hakob (Reynan Abcede), ang batang mahilig mag-impok ng mga barya, ang dalawang suhay ng tauhang Padre Guido. Kontra-punto ni Padre Guido, isiniwalat nang malinaw sa dulong bahagi ng pelikula kung gaano katapat si Sito sa paghugot ng pakinabang sa lupa, palibhasa, nakatungtong siya sa mapagbigay at matabang lupain. Sa katunayan, isa siya sa mga naiwan sa pag-aasikaso ng gawaing-bukid nang magsilikas na sa ibang lugar ang kanyang mga kaanak upang maiwasan ang lumalalang militarisasyon sa lugar. Hawak din niya ang pinagkukunan ng timbang na pag-unawa sa kasaysayan at sa lupa, at ng patag na kalooban sa harap ng madidilim na pang-unawa.

Isunod na rin dito ang paglalarawan sa iba’t ibang sulok ng bayan: ang dalampasigang hindi madadaungan, ang laylayan ng punong pinagsiksikan ng salapi, ang kubol na pakuluan ng alak na walang tatak, ang bisitang may haligi at bubong ngunit walang dingding at pormal na altar, ang tulay na hindi mapanunulayan, at ang buong baryo na mistulang bilangguan salamat sa mga armas ng militar at ng mga rebelde.

Iyan ang tanghalang gagalawan ng mga tauhan. Mga taong naglalakbay sa pamamagitan ng laging paglalakad lamang. Mula sa kubo ng magkapatid na Itang at Joselina patungong kubol na pakuluan ng alak ni Tony. Mula naman dito patungong paltok ng dalawang bato. Mula rito patungong bisita ni Padre Guido. Mula rito patungong bukid ni Sito. Mula rito patungong tahanan ng mga lumikas. Mula rito patungong himpilan ni Lieutenant Perdido. Mula rito patungong silid-tulugang hinalughog ni Heding. Mula rito patungong hanggahang tinatanuran ng mga rebelde. Mula rito patungong radyo na pinagmumulan ng Deklarasyon ng Batas Militar sa walang-kagatol-gatol na tinig ni Diktador Marcos. Mula rito hanggang sa sapang pinag-anuran ng nagliliyab na bangkay. Saka babalik sa eksena ng mga taong naglalakad sa malayong baryong iyon na tigib ng pangungulila sa buhay na payapa.

Tulad ng pamimintog at pag-impis ng buwan sa mga gabing mahimbing ang pagtulog ng bayang iyon na tinatanuran ng kambal na paltok sa dalampasigan, bumangon kaipala ang malalim na pangungulila sa pana-panaginip, at pagkutob-kutob sa kanila ng kamatayan ng magkapatid na Itang at Joselina. Hindi imortal ang kapayapaan sa kanilang lugar. Bigla, naunawaan nila na naiwan ito sa isang nakaraan na dati-rati kayang-kaya nilang ituring na nakaraang-hinaharap, o ng nakaraang maaari pang pabangunin sa hinaharap. Isang nakaraang hindi matatalikdan. Isang kasaysayán, isang nagtataglay ng saysáy. Hindi isang paglilihi sa pagkalabit ng gatilyo ng armalite kundi isang pagbubuntis at pagsilang ng panibago at maningning na pang-unawa.