The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

Mula sa Kung Ano ang Noon: Dramatikong Pagpaparamdam

  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Ni Rolando B. Tolentino

Karamihan, kundi man, kalakhan ng slow films ni Lav Diaz ay hindi lamang may pasintabi, kundi nananatiling bukal at impetus ng mga dramatikong kondisyon, ang diktaduryang Marcos. Kahit wala ang pisikal na presensya ng mga Marcos, ito ang psychical na predikamento ng pagkasadlak sa kondisyon ng posibilidad ng panahon at tagpo ng pelikula.

Marcosian trauma na may pambansang lalim ito dahil sa malawakang pagkalabag sa mga karapatang pantao, pangungurakot, pandudusta, at pagkamangmang sa isang banda, at sa kabilang banda, ang pagbabalik ng mga Marcoses sa iba’t ibang lokal, pambansa at kultural na posisyon, na parang “wala lang.” Hindi tulad sa ibang bansa na nanggaling sa isang traumatikong diktadurya, ang first order of the day sa pagtatapos ng diktadurya ay pagbuo ng isang komisyon para imbestigahan ang kaso ng paglabag sa karapatang pantao at pangungurakot, ang Filipinas ay walang ganoon. Kaya ganito.

Paratihang nagpaparamdam ang Marcosian trauma bilang tunggalian. Sa hanay ng mismong mga Marcos, ito ay bilang positibisasyon ng nakaraan at kasalukuyang imahen. At malaganap sa Facebook at social networks ang memes na naging mabuting presidente si Marcos dahil “pumapangalawa ang Filipinas sa Japan,” “may mga infrastruktura itong pinasimulan,” at iba pa. Sa kabilang hanay, ang negasyon ng mga Marcoses bilang parating pagpapaalaala na hindi naging makatarungang panahon—sa katunayan, malagim na panahon—ang kanilang pamumuno sa bansa.

Nagpaparamdam dahil patay na dapat ang mga Marcos. Hindi na ito nakapag-comeback pa. Pero buhay sila at namamayagpag muli. Umabot pa sa balak na pagtakbo ni Bongbong sa pagkapangulo. Kung pinatay na ito (dapat) sa alaala, ang politikal na aktibidad para manatili itong patay ay sa pamamagitan ng pagpaparamdam (haunting). Ang nostalgia ay nagmumula sa positibisasyon ng mga Marcos. Ang melancholia (ang ayaw pang ilibing ang patay) ay mula rin sa politikal na trajektori ng positibisasyon: paano gagawing positibo kung walang pagtuldok na negatibo ang karanasan? Kaya nangangailangang patay din, pero dakilang bangkay at kamatayan, ang mga Marcos.

Politikal na artistikong proyekto ang pagpaparamdam dahil sa maraming pagkakataon, tulad sa mga pelikula ni Diaz, hindi nakikita ang sanhi ng trauma. Gayunpaman, malalim ang ramdam at pakiwari nito. Ito pa nga ang huhuhulma ng predikamento ng pag-iisip ng mga tauhan at pamayanan sa mga pelikula ni Diaz. Tulad ng mga nobela ni Rizal, hitik sa mga tauhan ang mga pelikula ni Diaz na pawang representatibo ng mga nagtutunggalian at nag-uugnayang individual at pangkalahatang kamalayan.

Sa Mula sa Kung Ano ang Noon, si Itang (Hazel Orencio), ang autistikong kapatid (Karenina Haniel), pari (Joel Saracho), nagbabalik na manunulat (Noel Sto. Domingo), kasama sa pagsasaka (Perry Dizon, Reynan Abcede), manininda at tiktik (Angelina Kanapi), tagagawa ng alak (Roeder Camañag), at iba pa. Umiinog ang mundo sa malawak na rural na pamayanan noong 1970s, bago ideklara ang batas militar gayong nakasadlak na ang kondisyon ng posibilidad ng pagkilos at pag-iisip: walang maaring pagyabong na magaganap, lahat ng pagkilos ay tungo sa higit na paglubog at pagkabalaho.

Parang kumunoy ang kamalayan at mundo sa Mula sa Kung Ano ang Noon. At tulad ng naunang Norte Hangganan ng Kasaysayan (2013), na pag-usad sa mga naunang pelikulang mas sumasadlak ang individual at kolektibong disposisyon, ang Mula sa Kung Ano ang Noon ay may dramatikong pabuya sa pamumukadkad ng filmikong naratibo. Mas mabilis ang aksyon (posible sa slow films ni Diaz!), mas kalkulado ang sinematograpiya’t mise en scene, mas may storyang hahantong sa dramatikong realisasyon at pagtutumbas, at mas nakapakat sa upuan ang manonood.

Hindi tulad ng panahon ng mga nobela ni Rizal na siya ring panahon ng pagkasulat nito, ang kay Diaz ay retrospektibo at perspektibo sa panahon ng trauma: retrospektibo dahil nagawa ang mga ito sa panahong matapos ang diktadurya; at perspektibo dahil sinasambit nito ang nagpapatuloy na katiwalian dulot ng hindi lubos na pagkaunawa sa trauma na nagpapanatiling magparamdam ng mga multo nito. Pero tulad ng mga makakapal na nobelang Russian, ang pagkasadlak ng mga tauhan ay ang mismong realisasyon ng humanidad ng mga saksi sa pamayanan at mambabasa.

Ang panonood ng Mula sa Kung Ano ang Noon ay pagsaksi sa ating nawawalang humanidad, ng kolektibong pagkasadlak, ng pagnanasang umahon, at ng pagpupursiging hindi makalimot sa galamay ng kapangyarihang nagsadlak at patuloy na nagsasadlak pati sa pinakaliblib na mga sityo ng bansa, maging sa kabuuang aspirasyon ng pagkabansa. Sa pamamagitan ng mga Itang at ang kapatid nito, at ang hindi inaasahang resolusyon ng pagkagahasa sa kapatid, patuloy na sabayang pinapatay ang mga epekto para mabuhay ang hibla ng pag-asa.

At ito ang pinalulutang ni Diaz sa Norte at Mula, na sa pagkasadlak, sa paglagay ng mga abang tauhan ng kanilang kinabukasan sa sariling mga kamay, nariyan ang ating nawawalang humanidad, at pati na rin ang nawawalang pag-asa.