The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

Ka Oryang: Isang Panimulang Pagmumuni-Muni sa Pagsilang ng Estetika ng Kababaihan sa Masining na Rebisyon ng Naratibo ng Kasaysayan ng Bayan

  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Ni Benilda S. Santos

Sa Sa Ngalan ng Ina: Sandaang Taon ng Tulang Feminista sa Pilipinas 1889-1989 ni Lilia Quindoza Santiago, pambungad ang isang tula, “Ang Tula ni Oriang,” na tinatayang isinulat ni Gregoria de Jesus noong mga huling taon ng ika-19 na dantaon, pagkaraang dakpin si Andres Bonifacio, ang kanyang asawa, at isalang sa ora-oradang paglilitis na nagwakas sa pagbibigay rito ng hatol na kamatayan sa salang pagsusulong ng rebolusyon laban sa nakaluklok na pamahalaan ng panahong iyon.

Sa ganitong konteksto umusbong ang pagtuturing sa kasaysayan bilang bukas sa halip na saradong naratibo ng mga pangyayaring naganap sa loob at labas ng bayan. Kung gayon, binabasa at binibigyan ng interpretasyon ang mga naunang teksto ng nakaraan, at nagagawang buksan ang mga paksang isinara ng nakaraang namamayaning kapangyarihan upang magkalamat o magkapuwang o magka-espasyo doon ang dating hinatulang labas at walang halaga sa kasaysayan.

Kasabay nito ang pagbubuo ng panitikan at sining na nakatutok sa ganito ring gawain ng paglikha ng mga bagong puwang para sa mga bagong diskursong lilikhain. Isang mahalagang ambag sa gawaing ito ang “Tula ni Oriang” na ang tema ay ang pagdadalamhati sa pagpanaw ng asawa (“Magmula Giliw ng ikaw ay pumanaw/Katawan at puso ko’y walang paglagyan”). Sa pagsilang ng tula ni Gregoria de Jesus, nabuksan ang landas ng sariling pagkamalay ng babae sa kanyang pag-iisa at pagiging labas sa namamayaning kasaysayan, at kasabay ng ganitong pagbubukas-malay ang pagtungo niya sa wika at sa sining ng tula at sa pelikula nang taglay ang intensiyon at ideolohiya ng pagrerebisa ng naratibo ng kasaysayan ng bayan sa ngalan ng ambag na karanasan ng kababaihan.

Dito mailulugar ang ultimong kahalagahan ng pelikulang Ka Oryang nina Sari Raissa Lluch Dalena at Keith Sicat. Tumututok ito sa pagbubukas ng malay ng pangunahing tauhang Gregoria de Jesus (Alessandra de Rossi), sa paglahok niya sa isang rally ng mga estudyante ng UP laban sa pag-abuso ng militar sa ilalim ng rehimen ng batas militar noong kapanahunan ng First Quarter Storm.

Sinusundan ang estruktura ng isang initiation story, tumutuloy ang pagkamulat ni Oryang sa araw ng kanyang paglahok sa rally at pagkasaksi sa pagkamatay ng kaibigang tinamaan ng bala ng militar, sa kanyang pagtatapos ng medisina at pagtungo sa kanayunan upang paglingkuran ang maraming hindi abot ng serbisyong pangkalusugan. Nakipanirahan siya sa tahanan ni Lola Rizal kung saan niya nakilala si Noli na nagdala naman sa kanya sa liblib na kuta ng mga kasapi ng kilusang mapagpalaya sa kanayunan upang tistisin ang mga nasugatan sa enkuwentro sa militar. Nagkaibigan ang dalawa, at nagkahiwalay pagkaraan nang uminit ang pagdakip sa mga rebelde. Nadakip din naman kapwa. Sa detention center para sa kababaihan lumaki ang sanggol ni Oryang sa sinapupunan, at doon na rin naipanganak. Dito niya dinanas ang pang-aabuso at kalupitan ng pinuno (Emilio Garcia) sa kabila ng kanyang pagiging buntis, at nasaksihan ang sinapit ng iba pang tulad niya. Hindi naglaon, pinalaya si Oryang at anak mula sa impiyernong iyon, subalit samantalang papauwi, tinambangan siya at pinatay ng isang di-kilalang lalaki. Naiwan ang anak na nagpapalahaw ng iyak sa tabi ng inang wala nang buhay.

Kamangha-mangha ang Ka Oryang! Tigib ito ng mga detalyeng nagpapakita ng pagsisikap nina Sari Lluch Dalena at Keith Sicat na bihisan ang inihahayag na kasaysayan ng mga sangkap ng anyong dokumentaryo samantalang nalalahukan din ng mga katangian ng cinematic fiction, o fiction-documentary hybrid. Nangunguna na ang prologo ng pelikula na nasa black-and-white, ang rally ng mga militanteng estudyante ng UP sa harap ng Oblation. Pinasadahan muna ng close-up shot ang Oblation mula ibaba patungong noo nito, saka tumutok ang camera sa nagtatalumpating babaeng aktibista na humihikayat sa kababaihan na makiisa sa hinihingi ng panahon na maging bagong babae at nang mapunan ang pangangailangang sumapi ang kababaihan sa kilusan tungo sa pagbawi ng katarungan at pagbabago mula sa rehimeng mapaniil. Hindi dokumentaryo ang eksena; ito’y enactment o pagtatanghal ng aktuwal na rally, subalit hindi rin naman ito maituturing na fiction dahil totoo ito.

Sa pagsasara ng prologo, humarap sa camera ang isang babaeng hubad at nakadipa, maikling-maikli ang buhok at mukhang androgynous, ang bagong babaeng pamalit sa Oblation, isang huwaran sa pagsali sa kilusan ng kababaihang maglilingkod sa sambayanan. Ito naman ang detalyeng mauuring authorial intrusion dahil labis na tuwiran ang pagkakasingit niya sa eksena (halatang pasiya ng direktor), at alam ng manonood na hindi siya bahagi ng realidad ng rally sa Oblation.

Higit na matingkad ang mga elementong dokumentaryo sa eksena ng torture samantalang ipinapailalim sa interogasyon ang babaeng bilanggong politikal na nasa detention center. Bagaman hindi eksakto ang enactment na ito sa mga paglalarawan ng torture sa files ng Amnesty International (kulang ang bagsik ng camera ni Dalena dito), lumalabas na totoo pa rin ang eksena at hindi fiction sapagkat bahagi ng kasaysayan ng batas militar.

Sa ganitong paglalaro ng mga eksena sa pagitan ng dokumentaryo at fiction o fictitious, nabibigyan ang manonood ng tila staging platform ng kanyang pag-unawa kung paano isinusulong ang kasaysayan sa naratibo. Maitatanong, kung gayon, mahalaga ba kung ano ang “staged” at kung ano ang hindi? Ang mga pangyayaring napapanood ay iniaakto ng mga artista, subalit hindi naman fictitious. Ang pagka-dokumentaryo ng Ka Oryang pa nga ang nagdudulot dito ng dating at angas, at nagiging sityo ng politikal at historikal.

Samantala, ang pagbubuo ng mga tauhan ang kakikitaan ng higit na malinaw na sangkap ng fiction. Nariyan ang matulaing eksena ng paglangoy, paglalambingan, at bagaman hindi na ipinakita nang hayagan, ang pagtatalik nina Oryang at Noli pagkaraang maglunoy sa batis sa paanan ng di-kataasang talon. Nariyan din ang madalas na pagpokus sa mabibilog at mabibintog na tiyan ng mga buntis na detainees, na nagtitila matalinghagang pagpapaalaala sa manonood ng kuwestiyon ng paglikha ng panibagong hinaharap para sa darating pang salinlahi. Maging ang sakit na haemolacria ni Lola Rizal ay makulay at mapait na talinghaga ng mortal na paghina at pagkawala ng ating kakayahang tumingin nang tuwid sa katotohanan.

Sa kasamaang-palad, dito mismo sa pagsasalimbayan ng mga katangiang dokumentaryo at fictional matatagpuan ang kahinaan ng pelikula. Sa halip na mamayani ang kahigpitan ng banghay ng naratibo ng fictional na bahagi, nabalam ito ng paggamit ng montage kaya hindi nagawang maging magkakawing nang mahigpit ng mga eksena sa isa’t isa. Higit na mapuwersa ang hatak ng dokumentaryo at nagkulang sa pagpapatingkad pa ng mga tauhan. Halimbawa rito ang wakas ng pelikula, ang enactment ng asasinasyon ni Oryang. Oo nga’t maraming dakilang babae sa kasaysayan ng bayan ang humarap sa kanilang kamatayan alang-alang sa bayan, subalit, sa dulo ng lahat, ang Ka Oryang ay hindi kasaysayan sapagkat ang tinig ng babae sa pelikula na natagpuan na niya ay kung bakit pinipi pa.