The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

Imburnal: Etnograpiya ng Sityo ng Karahasan at Kahirapan

  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Ni Rolando B. Tolentino

Gaya ng isinasaad ng titulo, walang patumanggi ang nais ng pelikula: ibuyanyang ang kasuka-suka at marumi, gawing tahanan ang primaryong lunan na binabalik-balikan. Ang kakatwa, binabaligtad ng “Imburnal” ang diskurso ng identifikasyon: ang isinusuka ay ang karahasan ng estado na ipinapangalandakan ang arbitraryong kapangyarihang iditermina kung sino ang mabubuhay at ang papatayin, kahit pa ang pinadayo ng mismong karahasan ng estado ay ang mga tauhang paratihang napapadpad sa imburnal bilang tambayan at laguman ng kanilang buhay.

Tatlong teenager ang tinutunghayan ng pelikula sa laylayan ng Davao City. Sa isang banda, ang bagal, dumi, sigalot, at sexual na buhay ng mga ito, kabilang ang same-sex na engkwentro at orgies. Sila ang inalipusta ng estado gayong masalimuot ang galamay ng huli sa buhay nila. Sa kabilang banda, ang marahas na buhay na kanilang dinadanas dahil sa pagpaslang at pagdukot sa mga kauri nila.

Silang dinudusta ay dalawang beses na isinasantabi. Sa pamamagitan ng karahasan, ipinapakitang ang kanilang buhay ay walang halaga dahil wala silang kapangyarihan sa labas ng kapangyarihan sa buhay at kamatayan ng estado. Sa pamamagitan ng kahirapan, inaaba ang kanilang pang-araw-araw na buhay, hanggang ang pakikipagkaibigan ay maging incestuous, maging sexual sa kanilang murang bulas, na parang ito lamang ang kanilang maabot sa buhay.

Sila-sila na lamang, wala silang mapapala sa estado. Ito ang kakatwang katangian ng estado ng Pilipinas—direktahan ang pandudusta para hindi masingil at maging accountable kung bakit naghihirap ang marami, gayong nadodoble ang yaman sa ilang taon pa lamang panunungkulan bilang presidente ng iilan?

Sa pamamagitan ng etnograpikong filmmaking, familiar na metodo ng dokumentasyon sa anthropology, ibinubuyanyang ang tunay na barrio-tic na mundo ng mas liblib pa sa kilikili ng bansa. Sa etnograpiya ng naunang anthropology, dapat ay objective, walang pagpanig na ginagawa ang camera sa paglalatag ng anumang posisyon, maliban sa pang-araw-araw na buhay sa komunidad. Kahit sa makabagong etnograpiya, ang thick description o kung paano ang nasa ibaba ay kumikilos ang pangunahing fokus.

Ito ang format ng documentary na ayaw ng popular media, lalo na ang telebisyon. Walang sentrong personalidad ng broadcast journalist, baka hindi maintindihan ng mga tao. Gayong sa politikal na kamay ni Sherad Anthony Sanchez, ang pang-araw-araw na dinudustang buhay ay lokasyon ng sityo ng pambansang karahasan at kahirapan. Syudad pero hindi nagmimistulang syudad, bansa pero hindi itinuturing na bahagi ng kolektibong entidad, mamamayan pero para paslangin at bigyan-leksyon sa kauring huwag pumalag at maging subersibo.

Kung sa mga pelikula nina Lino Brocka at iba pang kabahagi ng tinatawag na second golden age ay ang kahirapan ay ibinubuyanyang bilang integral na backdrop ng buhay ng mga tauhan, kung bakit sila napapakilos at paano sila nagreresolba ng kanilang predikamento, ang pelikula ni Sanchez ay nagmamapa sa imburnal bilang pangunahing tauhan. Ito ang tapunan ng isinuka, flinush sa kubeta ng syudad at bansa gayong ito rin ang naging tahanang binabalik-balikan at tinatangkang itaguyod ng tatlong magkakaibigan.

Bilang sinapupunan (womb), ito ang naglalaman ng rekurso sa kasalukuyan at posibilidad sa hinaharap. Na makitid man, paratihang nananatili ang imburnal bilang maasahang naririyan at presensya sa buhay ng mahihirap na teenager ng kasalukuyan at hinaharap. Ito ang imahinaryong tahanan ng mga walang maayos na tahanan, ang posibilidad na makapagtayo ng konkretong struktura ng buhay sa hinaharap.

At tulad ng maaring ikapinta sa kanto ng kwarto, tulad ng feature films nina Brocka (bubuhusan ng kumukulong tubig ng alipin ang nagtataas-taasang amo, papatayin ng ordinaryong mamamayan ang kauri nila, ise-setup ng anak na babae ang kanyang ina), ang politikal na proyekto ay hindi naman kayang resolbahan sa mismong diegesis ng pelikula. Matalas sina Sanchez at Lav Diaz dahil diskursibo ang kanilang pelikula, hindi nakasandig sa mismong alegorya ng naratibo nito.

Sa pagtatapos ng pelikula, ang mga tauhan ay ginagaya si Tarzan, na nagpapahiwatig ng kapangyarihan at kawalan-kapangyarihan ng imahen na makapagsalba. Na tayong nanonood ay nanonood ng magkakasalikop na mga pelikula: ang kwento ng mga teenager, ang sityo ng parodic tragedy ng kanilang kolektibong buhay, at ang lokasyon ng ating sariling sityo ng panonood—ano ang ating panlipunang relasyon sa pang-araw-araw na trahedya at buhay sa pelikula at lipunan?

Kaya ang Imburnal ay isang matapang at matalas na pagninilay-nilay sa abang mamamayan ng bansa, kung paano, sa pamamagitan ng diskurso nito, inilalahad ang claim ng kontraryong pagkamamamayan para gawing accountable ang mismong estadong naglagay sa kanila sa abang kondisyon isinusuka at nakakasuka.