The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

Diablo: Ang Matimping Sining Ni Mes De Guzman

  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Ni Bien Lumbera

Ang naunang mga pelikula ni Mes de Guzman ay nasa estilong lantay na realismo. Hiwalay ang mga ito sa tradisyonal na sineng Tagalog na batbat ng madudulang tagpo kung saan ang mga popular na pangunahing bituin ay naglalambingan, maingay na nag-aaway at nagpapalitan ng mga dialoging sadyang pinatitimo sa damdamin ng mga manonood. Ang estetika ni Mes de Guzman ay hubad, umiiwas sa “drama,” walang borloloy, nakatuon sa totoo lamang.

Ang Diablo ay nagbubukas sa isang eksenang nangangako ng “drama.” Isang minero ang sinapian diumano ng diablo at kinailangang ipailalim sa kakayahan ng albularyong makapagpapalabas sa diablo. Pero walang kinalaman ang isasalaysay ni Mes de Guzman sa pambungad na eksena.

May isang pamilya sa isang ulilang bayan sa Ilokos, na may malawak na lupain. Ang ina ay balo, namamahay na mag-isa sa matandang bahay na kababakasan ng dating kariwasaan. May limang anak na lalaki si Nana Lusing. Sundalo si Fernando kaya’t bihira siyang nakadadalaw sa ina. Minero si Ronaldo na malayo ang lugar na kinadestinuhan kaya’t siya man ay madalang dumalaw sa ina. Isang misyonero ng kultong relihiyoso ang pinamumunuan ni Oscar, at sa kanayunan namamalagi sa mga baryo at kabundukan. Bunso si Ruben, isang magsasaka na madalas dalawin ng ina subalit ayaw makipag-usap dito. Si Alberto, na nakatira sa Maynila, ang madalas dumalaw sa ina, na inaakit niyang ipamahagi na sa magkakapatid ang malawak na lupaing naiwan ng yumaong ama. Sa daloy ng naratibo ng pelikula, siya ang lumilitaw na diablo, ang lagalag na anak na naglalayong mapagkakuwartahan ang mga ari-arian, at mariwasang makapamuhay sa siyudad sa piling ng mga babae at kaibigang tulad niyang pakawala.

Sa kanyang pagmimisyon, nakatuwaan si Oscar ng mga kabataang magkakainuman, nasaksak siya at iyon ang ikinamatay. Sa araw ng libing, natipon ang apat na magkakapatid at inungkat ni Alberto ang tungkol sa hatian. Lumabas na nauna na pala si Alberto na tumanggap ng kanyang bahagi . Nagkainitan sina Ruben at Alberto, at si Nana Lusing ang sumaway sa namumuong away. Pinayuhan si Ruben ng nakatatandang Fernando at Ronaldo na makipag-usap sa ina. Sa isang madamdaming eksena na walang dialogo ang mag-ina ay nagkasundo.

Nang gabing iyon, bago matulog si Nana Lusing, binuksan niya ang kanyang radio subalit wala na itong tunog na dati’y may pastor na nangangaral tungkol sa Diyos at tao. At parang may nabuwag na harang, bumulos sa walang patid na hagulhol ang lahat ng emosyong tinimpla ni Nana Lusing sa panahong namuhay siyang malayo sa mga anak at nag-iisa.

Bakit pinamagatan ni Mes de Guzman na Diablo ang kanyang pelikula? Taliwas sa melodrama na ipinangangako ng pamagat, ang naratibo ng kanyang iskrip ay tahimik na pagsubaybay sa buhay ng pamilya ni Nana Lusing, na ang pokus ay kina Ruben, Oscar at Alberto. Pagbubukid, pagmimisyon at paglilimayon. Kung si Alberto ang “diablo” ng pamagat, tila ipinahihiwatig ng pelikula ni de Guzman na ang paggawa at pagsamba ang matibay na haligi ng isang pamilya sa panahong niyayanig ito ng walang-budhing urbanisasyon. Ang ganitong pagpapakahulugan sa pelikula ay bunga lamang ng paghahaka ng isang manonood. Bilang tagapagtaguyod ng realismo sa pelikula, ang pangangaral ay wala sa estetika ni De Guzman.

Ang lubos na kaakit-akit sa Diablo ay ang direksiyon ni De Guzman. Pinalutang nito ang matimping pagganap ng kanyang mga aktor, lalong-lalo na ni Roeder Camaniag bilang Alberto, ni Arnold Reyes bilang Ruben at ni Carlo Aquino bilang Oscar. Bukod sa pagganap ng tatlong anak, ang pagganap ni Ama Quiambao bilang Nana Lusing ang matibay na tagumpay ng direksiyon ni De Guzman, na nagpanatili ng ating atensiyon sa mapayapang anyo ng aktres na halos di natin namamalayan ay tinatalaban pala ng mga nangyayari sa kanyang paligid. Ang maalagang editing at sinematograpiya ng Diablo ay ekstensiyon ng maingat na realismo ng direktor na nagtatampok sa kanya sa hanay ng mga masining na manlilikhang Filipino ng ating panahon.