The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

Dagitab: Panandaliang Liwanag sa Kakaibang Pelikula

  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Ni Dr. Bienvenido Lumbera

Narito ang isang kakaibang sineng Pinoy. Kakaiba dahil bahagi ng istratehiya ng naratibo ang sinadyang pag-iwas sa paglilinaw tungkol sa relasyon at tunguhin ng mga pangunahing tauhan. Hindi tayo sanay sa ganitong pelikulang Filipino. Nakagawian na ng karaniwang pelikulang Filipino na alagaang nasusundan, sa pamamagitan ng dialogo at eksena, ng mga manonood ang nagaganap sa kalooban ng mga tauhan. Sa Dagitab, pinag-iisip ng iskriprayter ang mga manonood habang tumatakbo ang naratibo. Tatlong tauhan ang nasa sentro ng kuwento–-mag-asawang propesor at propesora, sina Jimmy (Nonie Buencamino) at Issey (Eula Valdez) sa Unibersidad ng Pilipinas at isang estudyanteng bagong pasok sa unibersidad, si Gab (Martin del Rosario), isang teenager, inaanak ni Issey.

Nasa workshop na pinamamahalaan ni Issey si Gab. Tumatanda na si Issey, edad 44, at nararamdaman niyang wala nang libog ang pagsasama nila ni Jimmy. Si Jimmy ay anthropologist na magsasampung taon nang nalulong sa pananaliksik tungkol sa isang alamat. Madalas na wala sa kampus si Jimmy, nasa labas ng Maynila sa mga gubat. Sa simula ng pelikula, inis na pinagsasabihan ng isang gerilyerong NPA (Ronnie Lazaro) si Jimmy tungkol sa pagtigil nito sa teritoryo ng mga gerilya sa gawaing walang kinalaman sa pakikibaka. Dati may kasintahan si Jimmy na nagngangalang Lorena, isang aktibista na sumapi sa NPA at sa di maliwanag na dahilan ay nawala na lamang at sukat. Ang pagpapabaya niya kay Issey ni Jimmy ay bunga ng kanyang di-malimutang relasyon kay Lorena.

Malumbay ang buhay ni Issey at ang pangungulila ay pinupunan niya lamang ng alak, sigarilyo at tulog. Bilang guro niya sa creative writing workshop, hinangad arukin ni Gab ang lumbay ng kanyang ninang. Minsang may outing sa tabing dagat ang mga workshopper, may naganap na pagtatalik sina Gab at Issey. Sa isang malikhaing akda sinulat ni Gab, pinamagatang “Intersection,” ginunita ni Gab ang kanyang emosyon at pisikal na danas sa pagtatalik. Pinairal ng kabataang manunulat ang kanyang malikhaing imahinasyon sa paggunita sa realidad ng ugnayang naganap.

Sa kanyang paglalagalag bilang iskolar, minsang kabilang siya sa isang hanay ng mga gerilya, umiral ang isang pantasya ni Jimmy at sa gubat tila naganap ang isang pagtatagpo nila ni Lorena. Hubo’t hubad ang dalaga na naghihintay sa kanya. Sagot sa malaon niyang pagmimithing balikan ang kahapon nila ni Lorena, naganap sa pantasya ang pag-uugnay ng magkasintahan. Nang mahimasmasan siya, nasumpungan ni Jimmy ang isang hukay. Doon ay may imahe ng babaeng inuuud at katabi nito ang sundang ng alamat na di-umano ay siyang pakay ng kanyang pananaliksik bilang iskolar.

Sa isang reunion ng mga dating aktibista sa isang bar, sinumbatan ng kanyang katabi sa mesa si Jimmy na hanggang ngayon ay ayaw pang bumitiw sa pagtuturo at pananaliksik. Sa okasyong iyon may nagsimulang umawit at sinabayan ng lahat. Ang tema ng awit ay “Mula Rito Hanggang Kalayaan,” at mahihiwatigan dito ang politika ng pelikula ni Giancarlo Abrahan. Ano ang kinalaman ng awit sa problema ni Jimmy bilang dating aktibistang naging propesor? Ni Gab bilang kabataang manunulat? Ni Issey bilang gurong nag-aalaga sa mga kabataang malilikha? Anong laya ang hinahanap ni Jimmy

Kinulong siya ng kanyang posisyon bilang iskolar ng unibersidad at ng kanyang obligasyon bilang asawa ni Issey. Ano ang kalayaang hanap ni Gab bilang bilang manlilikha? Iyon ay ang laya ng malikhaing pagsulat na di kumikilala sa batas ng tradiyonal na moralidad na naranasan niya sa pakikipagtalik sa kanyang ninang at sa posibilidad ng pakikipagrelasyon sa kapwa lalaki. At para kay Issey, makikipagkalas siya kay Jimmy (na “aakyat ng bundok,” aanib sa NPA) at lilipat ng kampus (aakyat sa Baguio kampus ng UP).

Sa pagtugpa sa landas tungo sa kalayaan, si Issey ay maiiwang na nag-iisa, kondisyong tiniis niya sa nagpapabayang asawa. Sa isang eksena na kinukunan siya ng larawan para sa librong inakda niya, sinabihan siya ng potograper na isipin ang pinakamalubhang sakuna sa buhay niya. Sumunod siya sa kahilingan at bumakas sa kanyang mukha ang hapis na dinanas. Pagkatapos, bumulalas siya ng halakhak na bumura sa anyo ng hapis ng kanyang mukha.