The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

Colossal: Ang Pelikula-Tula Bilang Alternatibong Andamyo Sa Pagtatag Ng Bansa

  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Ni Benilda S. Santos

Lubhang bantad na tayo sa mga balita sa media, at maging sa mga paksa ng pelikulang indie nitong nakaraang lima o pitong taon, na nagsisiwalat ng iba’t ibang antas ng kabulukan at kahirapan sa ating lipunan. Hindi naman sa nais kong imungkahi ang total ban sa ganitong mga balita at pelikula; higit na nakaririmarim ang ibubunga nito. Subalit hindi ko pa rin naiwasan ang umasa sa pagdating ng naiibang anyo ng naratibo ng pagtatatag ng ating bansa.

Sa ganitong konteksto ko pinapahalagahan at pinapupurihan si Whammy Alcazaren sa kanyang unang pelikulang indie na pinili niyang likhain sa anyo ng pelikula-tula o film-poem, ang Colossal. Lumalabas tuloy na alternatibong film-poem ito sa gitna ng mga indie film na kung minsan nagkakapare-pareho na ng tinatalakay sa kabila ng kanilang pagiging indie sa simula pa lamang. Hindi lamang ito. Tunay na natatangi ang Colossal sa kapinuhan nito; sa maingat at pihikang orkestrasiyon ng musika, imahe o larawan, at tula o teksto; at sa paggamit nito ng wikang Cebuano. Bagaman hindi ako nakauunawa ng Cebuano, ang voice over ng nagsasalaysay o nagbabahagi ng kanyang simulain o pilosopiya ay akmang-akma sa naghuhumindig na mga larawan ng kalikasan sa buong obra. Nagmumula na naman sa isa pang sentro ng bansa ang tinig. Sa gayon, nabubuo ang bansa sa partisipasyon ng iba’t ibang wika at sentro.

Hindi payak ang produksiyon o kabuuang hitsura (look) ng Colossal. Sa pelikula-tula na ito, kung ihahambing sa habi ng tela, walang makikitang dugtong ang pagtatabi-tabi ng musika, imahe, at teksto. Sa lahat ng mga elementong ito ng poetika, ang mga imahe/larawan o ang kabuuang sinematograpiya ang pinakamatingkad ang kahusayan sapagkat hindi lamang literal na ilustrasyon ito ng mga salita, o kaya pang-agapay sa musika, kundi panghamon o pagliko sa tekstong salin sa Ingles mula sa Cebuano. At dahil nasa itim at puti lamang ang buong pelikula, napakaselan ng paglikha ng pagtatambis (contrast) dito; ibig sabihin, mahirap ipakita ang pagtatambis sa loob ng isang kuwadro (frame) o isang eksena (scene) lamang, kaya madalas ang pagtatambis ay nasasaksihan sa dalawang magkahiwalay na eksena.

Halimbawa, sa unang bahagi ng pelikula-tula, rumaragasa ang alon sa karagatan. Maririnig ito sa ugong ng alon at sa taas ng mga puting bula na umaalimbukay sa pagtama ng alon sa mga tipak ng bato o sa dalampasigan. Hayag na hayag ang malakas na puwersa ng alon, o ang katangian nitong colossal. Pagkaraan ng humigit-kumulang sa anim na eksena, ang tubig-alon ay nagiging tubig-talon na wala ring kaparis ang puwersa at malakas na pag-ugong (nagbabadya rin ng pagka-colossal) subalit ang dumarating na larawan ng kagandahan sa manonood ay magkaiba. May banta ng panganib ang kagandahan ng tubig-alon samantalang may hagod ng bendisyon ang kagandahan ng tubig-talon.

Batay rin sa sinematograpiya at musika, nagkakaroon ng impresyon ang manonood na walang patid ang galaw/kilos (movement) sa pelikula-tula sapagkat lubhang malalawak ang espasyong kasangkot sa mga nagaganap sa maituturing na pangunahing tauhan, ang Lalaki-sa-Kotse (na nagiging Lalaking-Lulubog-sa-Tubig, at Lalaking-may-Tato) subalit hindi ito madaling makita ng mata dahil hindi hayag o lantad. Mainam na halimbawa ang pambungad na eksena (na parang hindi eksena dahil madilim ang buong kuwadro). May halos anim na minuto ang kadiliman na pinupuno ng musikang metal na wari elektronika, o kaya kalembang ng mga kampana. Napakalakas nito, na pagkaraan, unti-unting humihina hanggang sa umabot sa katahimikan. Bakit ganito?

Sinasabi lamang na ang dilim ay hindi kawalan dahil napupuno ito ng tunog na isang uri ng enerhiya, at ang enerhiya ay nagiging kasing-colossal ng espasyong dudulog dito. (At sapagkat alam natin na napaliligiran tayo ng malawak na malawak na espasyo o space o kalawakan, walang sandali na nahihiwalay o naaalis tayo sa kalagayan o pag-iral o existence na colossal din! Natutumbok na natin ang tema ng pelikula-tulang ito.)

Susunod agad ang kuwadro na nagpapakita ng Lalaki-sa-Kotse (ang moderno o kontemporanyong Filipino) na nakatagilid sa atin na manonood at nakatingin sa gawing kaliwa ng kuwadro. Bakit ganito? Sapagkat kapag humarap sa atin ang lalaki, nakaharang na tayo sa bisyon niya. Ngunit wala naman tayo sa loob ng kuwadro niya! Totoo, subalit sa sandaling humarap siya sa atin, mararamdaman natin na naookupahan ang espasyo sa ating harap kahit na hindi ito totoo. Bunga nito, hindi na puro o dalisay ang pagdanas natin sa Colossal. Makakaramdam tayo ng limitasyon o pagkabawas sa Colossal samantalang ito nga ang hindi totoo! Laging buo at ganap ang dimensiyong kolosal sa ating mundo sapagkat ang totoo, hindi tayo nakatayo sa lupa kundi nakabitin mula rito at hinihipan ng buong labas na kalawakan (outer space). Ngayon natin mauunawaan kung bakit nakatagilid sa atin ang lalaki at nakatingin sa malayo. Sa ganitong posisyon, mula sa ating pananaw/punto de bista, kalawakan ang kaharap niya.

Ganito ang buong pelikula-tula. May mga eksenang tila may peligrong may mawasak o mamatay subalit muling nakababangon o nakapagtatatag. Nang lumusong ang Lalaking-Lulubog-sa-Tubig, sa sandaling malulubog na siya nang ganap sa tubig, aatras siya, at makaaahon. Ito rin ang kolosal: ang makabangon at muling makahinga.

Kapag pinakinggan natin nang mabuti ang voice over, mahihinuha natin agad na higit na matanda ito sa Lalaki-sa-Kotse, at maipagpapalagay pa nga na isa siyang shaman ng angkan o ng lahi, at ang ibinabahagi niya ay mga paraan kung paano muling makakahinga ang tao. Samantalang pinakikinggan siya nang mabuti, nang hindi inuunawa nang ganap ang kanyang sinasabi (dahil upang magawa ito kailangan ko ng kopya ng screenplay mismo; alalahanin natin na tula ito), may mga linya ng matatandang obra ang nagbangon sa aking alaala: sa loob at labas ng bayan kong sawi, apat na kandila ang nagbabantay, ang salapi’y lubhang makapangyarihan, at marami pang iba. Ang totoo, hindi ako nakauunawa ng Cebuano, subalit ang tunog at tono ng tinig ay wari nagmumula sa isang malawak na malawak na lugar sa aking kamalayan. Ang kolosal kaya?

Darating nang muli ang mga tunog. Ang karagatan. Ang mga alon. Ang mga angil o banggaan ng metal. Tinig na paos, sintunado. Mabigat ang bagsak ng mga ingay. Ang kolosal na tibok ng buhay. Iyong hindi makikita ng mata hinuhuli ng tainga sa mga paulit-ulit na kumpas. Pag-uulit. Ang mga alon. Ang mga bulubok (foam) ng mga alon. The foam foaming. This is our colossal youth.

At ano ang kasaysayan? Paano sila na nalagas sa laban? Makikita natin ang mammoth crowd. Ang pagbangon at paghinga ng lahat sa unang pag-aalsa sa EDSA. Ang mga banda ng kabataan. Ang siyudad: nagtatayugang gusali, tabi-tabi tulad ng mga alon sa dalampasigan. Ang baril na nakatutok sa ulo ng lalaki. Death. There is fear in the face of death. Seal it in a box. Put it away. Let go of life.

Lalabas ang langit na punong-puno ng bituin. May isusulat ang ilaw na puti. Lilitaw ang mga direksiyon, ang mga mito, ang na dadama sa ating dibdib upang malaman kung wasto ang direksiyon ng pagtibok ng ating puso.

Babalik sa simula. Ang Lalaki-sa-Kotse. Sana’y makakilos na siya. Magsasara ang tabing sa musika ng pagkabalisa. Nakatagilid pa rin siya. Naluluha. Subalit ang luha ay dagat ayon sa Colossal.