The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

Chassis: Katawan at Bakal

  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Ni Benilda S. Santos

Nililikha at tinatahak ng malaya at alternatibong pelikula ang pabago-bagong espasyo na kakikitaan ng mararawal na larawan ng nagpapatuloy na buhay sa Ikatlong Daigdig, ng di-natitinag na pagkapigipit ng uring manggagawa, at ng madugong pakikibaka ng kababaihan upang makapamayani sa kanilang buhay. Sa landas na iyan matatagpuan ang pelikulang Chassis ni Adolfo Borinaga Alix, Jr. sa pagkatuklas niya ng posibilidad na igawa ng fiction ang hile-hilera ng mga container vans sa piyer upang sa pamamagitan nito, maisiwalat niya ang nagaganap sa buhay ng mga walang hanggahang matatawid—silang mga “hanggang pantalan” lamang—sa panahon pa naman ng crossing borders.

Dinadala tayo ng Chassis sa piyer sa Tundo, Maynila, sa malawak na garahe ng mga container vans na pahingahan, at tirahan din pala ng mga nagmamaneho nito, at bilang ekstensiyon, ng kanilang asawa at/o anak dahil hindi nila kayang umupa o makitira sa kamag-anak. Makikita sila sa tagiliran, sa loob, o sa ibabaw ng mismong container o imbakan ng mga produkto, makinarya, at iba pang kadiwaraan ng panahong postkolonyal, kung hindi man sa ibabaw ng flat bed kung saan ikinakamá ang container kapag magbibiyahe na, o kaya, sa ilalim ng chassis, ang bakal na frame o balangkas na pinagpapatungan naman ng flat bed at container. Duyang tela o kumot na may tali sa magkabilang dulo at saka ibinuhol sa tadyang ng chassis ang siyang tulugan, o kaya, karton at pinagpatung-patong na basahan o lumang damit sa ibabaw ng isang parang kariton na nasa ilalim naman ng chassis ang tumatayong kama. Nagluluto naman sila sa kalsada, at naliligo sa likod ng nakasalansang pundidong gulong na tinabingan ng plastik. At ang kanilang palikuran? Aba! Ano’ng ginagawa ng malawak na Manila Bay? (Kamangha-manghang pakikibagay ng tao sa mga kasiping na dambuhalang trak na tagahakot ng sari-saring kalakal ng mundo, hindi ba?)

Bukod sa mga tagamaneho ng trak at kanilang pamilya (o kabit kaya), ang iba pang mamamayan sa “bayang” ito ay ang mga guwardiya, ang ilang tagakumpuni ng trak, ang ilang kababaihan na madalas maghuntahan sa maliit na tiendang utangán ng kung anu-anong payak na pangangailangan, ang ilang anak ng mga mag-asawa doon, at ang manakanakang bisita na naghahanap ng anak na hindi pa nakikita sampung taon na ang nakararaan. Inilalarawan ang lahat ng ito sa pelikulang chiaroscuro, walang sari-saring kulay, mistulang isang uri ng atavismo o nakaaabang pagkauróng ng buhay ng mga tao doon sa garahe ng container vans. Wari sila nasa panahon ng mga ninunong nagbabakawan sa latian kung saan mababaw ang tubig mabuhay lamang!

Sa tagpuang ito nakatira ang pamilya ni Lando. Drayber siya ng trak na isang linggong nagbiyahe sa Bicol. Hindi niya napupunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya bagaman hindi niya ito ikinababahala. Si Nora (Jodi Sta. Maria), ang asawa ni Lando, ay ina at walang trabaho kaya “suma-sideline” sa ilang lalaki sa garahe kapag kinakapos ang kita ni Lando, at si Sara (Kimberly Fulgar) ang anak nina Lando’t Nora, ay nag-aaral. Nangangailangan ng pera ang bata para sa field trip pati na pambili ng pakpak para sa angel costume. Payak pa sa payak ang buhay nila. Sa tabi ng nagtatayugang container, kay hina nilang tingnan, kay aba at kay bagal ng kanilang mga hakbang. Masahol pa sa daga, walang apat na dingding na nakapaligid sa kanila, at lalong walang bubong sa ulunan. Bukod sa sementadong kalsada na tinutungtungan at malawak na papawirin na kay layo naman, bakal at bakal pa ang kaulayaw ng kanilang katawan. Katawan at bakal: malamig na relasyon ito. Malamig din ang relasyon ng mga tao roon sa isa’t isa. Paano, kapag ibibiyahe na ang isang container na nagkataong “tinitirhan,” nagkakandarapa sa pagkuha ng mga gamit ang tao upang mailipat ito sa isa pang container na nakapahinga pa. At sa kalakihan ng mga container, malayo-layo ang kailangang lakarin bago makalapit sa kapitbahay.

Black and white, walang kulay na mundo, at sa pamamagitan ng medium at long shots lamang nailalapit ng camera sa manonood ang mga tauhan. Walang nakadidistorbong close-up. Kung mayroon man, hindi inaalis ang background sa likod ng mga tauhan, wari hindi sila makapag-iisa, hindi makapagpapakilala ng sarili, o, nais lamang ipaalaala sa manonood na may kinalaman ang kapaligiran sa kinauwian ng kanilang buhay. Gayon din, hindi pinapayagang makapaglagos ang anumang init sa pagitan ng mga tauhan. Kakaunti ang salitang namamagitan sa kanila, at hindi sila nakitang tumawa o ngumiti man lamang. Kapag nag-usap sina Lando at Nora, pera ang kanilang paksa. Hindi rin naman kinakausap ng ibang lalaki si Nora; kinakatalik nga lamang sa pagitan ng dalawang nagtatayugang container, at sapagkat makitid ang espasyo, laging patayo at maikli ang kanilang ugnayan.

Sa mga sandaling ito, laging ipinakikita ang mukha ni Nora: blangkong-blangko, walang-walang ekspresyon. Nagiging sintigas at sinlamig ng bakal si Nora sa mga sandali ng pagtatalik. Tanging sa piling ng anak lamang nabubuhay ang damdamin nito. Matiyaga niyang binuo ang pakpak na gagamitin ni Sara sa pagtatanghal sa eskuwela, tinulungan sa takdang-aralin, at noong hindi kumita nang sapat ang ina upang may maipambayad sa field trip, inilabas ang anak at pinakain sa restawran upang huwag itong magtampo sa kanya.

Natatangi ang camera sa pelikula. Mabait ito kay Nora. Wari iginagalang nito ang babae sapagkat hindi ito naglalalapit sa kanya, at wari may malasakit din ito dahil hindi rin naman labis na naglalalayo. Sa halip, binibigyan nito ng espasyo ang ina, dumidistansiya rito lalo na sa sandali ng pakikipagtalik sa nagbabayad ng katiting na halaga. Parang inuunawa ang pasiya ng babae na gawin iyon alang-alang sa anak na si Sara, sapagkat mabuting ina si Nora, at nabubuhay lamang siya para sa anak. Isa siyang mater dolorosa na nangingiti kapag ang anak ang kasama, nagpaplantsa ng uniporme nito, nagluluto, naglalaba, at nagtitiis sa gitna ng mga bakal.

Sa kabilang banda, wala rin namang ilusyon ang camera. Ipinakita nitong lahat ang kailangang malaman sa buhay ng mag-ina at ng iba pang tauhan sa garahe, walang labis, walang kulang. Matimpi ang paghahayag sa lahat, at kapag ang katotohanang ihaharap sa manonood ay mahirap tanggapin, pinatitingkad lamang ng camera ang dilim gaya nang maganap ang malagim na sakuna. Suot noon ni Sara ang pakpak ng anghel, at sa ibabaw ng isang flat bed, nagsasayaw ang bata. Hindi matagal pagkaraan, may pinagkalumpunan ang mga tao—si Sara na nakahandusay, nasagasaan dahil hindi nakita sa dilim kahit ang kanyang puting pakpak. Nagpalahaw nang gayon na lamang si Nora. Kinabukasan, mula sa burol, tumungo siya sa Star City gaya ng hiling sa kanya ng anak bago ito maaksidente, at sumakay siya sa ferriswheel. Blangko ang kanyang mukha tulad nang madalas na makita samantalang ginagamit siya ng mga lalaki. Sa huling tagpo, kusang tinungo ni Nora ang madalas niyang maging parokyano, inalukan itong magpaserbisyo, at sa katindihan ng kasiyahan ng katawan, hiniwa ng blade ang ari nito.

Sa kabila ng malungkot na kalagayan ng buhay sa piling ng mga chassis, may lirikal na katangian ang buong pelikula na nag-iiwan ng malalim na bisa sa manonood. Nagtitila ito isang tula na ang pangunahing sangkap na gamit ay metonimiya. Ang buong banghay ay kumakatawan sa buhaghag na kasaysayan ng bayang naghihirap. Baligtad dito ang piramide: bakal ang nasa itaas, kalalakihan ang tagapasan, kababaihan ang kanilang dagan, ngunit ang bata sa kailaliman ang nasawi.