The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

Badil: Kung Bakit Nasa Indie Ang Pag-Asa

  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Ni Bienvenido Lumbera

Ang Badil ni Chito Roño ay malinaw na patunay na ang indie ang anyo ng pelikulang Filipino na matatakbuhan ng mga mainstream direktor na naghahangad makagawa ng makabuluhang obra. Malaya ang anyong ito sa mga sagabal na sumisira sa integridad ng bisyon ng isang malikhaing director. Tulad ng prodyuser na ang tanging layunin ay kumita ang pelikula sa takilya. Mga artistang matunog ang pangalan na ang unang-unang pinangangalagaan ay ang image nila na siyang binabayaran nang mahal ng kompanya. Ang tinitipid na mga kagamitang teknikal. At ang mga tauhang teknikal na mababa ang singil sa kanilang serbisyo kaya’t mababa rin ang kalidad ng kanilang trabaho.

Ang nilalaman ng Badil ay paksaing karaniwa’y hindi binibili sa takilya. Payak na pagsisiwalat sa mga katiwalian sa eleksiyon, ang pagbili sa boto na magluluklok sa tungkulin sa politikong may nauna nang pangungurakot o may inaasam na makukurakot. Ang mga artistang gumaganap ay kulang sa glamor na aakit sa mga manonood—Dick Israel, na noo’y nakilala bilang supporting actor sa mga pelikulang mainstream; Nikki Gil, aktres na walang matatawag na fan base; at isang kabataang actor na nakilala noon bilang dancer pero nakikikita araw-araw bilang paminsan-minsang komedyante sa Showtime ng Channel 2, si Jhong Hilario.

Ang tagpuan ng kuwento ay isang baryo sa isang bayang nasa baybayin ng dagat, kung saan ang mga naninirahan ay pawang dukha at umaasa lamang sa pangingisda. Bisperas ng eleksiyon at ang mag-amang Ponso at Lando ay abala sa pamumudmod ng pera sa mga taong kanilang nabili na at inaasahang boboto sa kanilang kandidato sa pagka-mayor. Ang pinakaiingatan ni Mang Ponso ay ang badil (hango sa lengguwahe ng mga mangingisda na ang tinutukoy ay “dynamite fishing”) na sa eleksiyon kinabukasan ay ang pamimili ng kontra-partido sa mga botanteng nabayaran na niya.

Sa kasamaang-palad, tumaas ang presyon ni Mang Ponso sa panahong kailangang-kailangan ang kanyang pagkilos. Kinailangang mapasok siya sa ospital. Napasa kay Lando ang responsibilidad na pangalagaan ang hanay ng mga botante para sa kandidato ng ama.

Hindi handa si Lando sa tungkuling iniatang ng ama. Ang salaysay ng Badil ay tungkol sa moralidad ng baluktot na eleksiyon at ang naging bunga nito sa pagkatao ng isang kabataan. Si Lando ay naipit sa pagitan ng kanyang pananagutan sa ama bilang pinagkatiwalaang anak at ng masunuring pagsuong niya sa tungkuling pangangalaga sa mga botanteng nasa kampon ng may kapansanang ama. Ang panloob na tensiyon ng isang taong nasangkot sa gawaing alam niyang labag sa batas subalit humihingi ng katapatan sa magulang ay matinding naipadama ng pagganap ni Hilario. Pambihira ang madamdaming control na ipinamalas niya sa nagtutunggaling mga emosyon habang gumagala siya sa baryo bilang pagtupad sa atas ng ama. Sa ilalim ng direksiyon ni Roño, ang linggal ng motor na gamit ni Lando ay lalo pang nakapagpa-igting sa tensiyon sa kalooban ng binata.

Marami nang ginawa si Roño sa industriya ng komersiyal na pelikula, at ang ilan sa mga iyan ay tumanggap ng papuri mula sa mga grupong nagkakaloob ng gawad. Sa Badil, naipakilala niyang muli ang talino at pihikang direksiyong may tatak ng kanyang mata at utak. Payak lamang ang paksa at walang mapangganyak na borloloy, subalit nakuha niyang ipako ang ating panonood sa nagaganap na tunggalian sa kalooban ng isang kabataang taga-baryo ng mga mangingisda habang inilalantad ang isang malubhang katiwaliang panlipunan. Matingkad ang naging ambag sa kahusayan ng pelikula ng maigting na pagkabuo ng iskrip ni Rody Vera. Dapat ding pansinin ang authenticity ng disenyong pamproduksiyon na walang-liwag na umakit sa ating paniniwala sa realidad ng lugar na ginagalawan ng mga tauhan. Karapatdapat ding papurihan ang editing na epektibong nagpalitaw sa tensiyong likha ng napipintong eleksiyon. Ang lahat ng birtud ng produksiyon ay utang sa masinop na kamay ng beteranong direktor na ngayon ay isa nang bagong director ng independent cinema.