The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

Babae sa Breakwater: Anthropolohiya ng Breakwater at Pelikula

  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Ni Rolando B. Tolentino

Natatangi si Mario O’Hara bilang direktor hindi lang dahil marami itong sakop na gawain, pawang angat sa kahanay, kundi isa siya sa nakakapaglatag—sa pamamagitan ng pelikula—kung ano ang angkop na papel ng sining sa filmiko at aktwal na lipunan. Ang kwintisensyal na pelikula ni O’Hara sa naunang dekada ng bagong siglo ay Babae sa Breakwater, isang madilim—halos absurdo—na mahika-realismo ng mga buhay sa breakwater ng Roxas Boulevard at Manila Bay.

Sentral ang dagat sa naratibo ng pelikula: kung bakit napadpad ang mga taga-kung saan-saan sa breakwater; mga inimbento at urbanong alamat hinggil sa dagat bilang simula’t dulo ng buhay, at bilang tagapag-ugnay sa after-life; ang imposibilidad ng pag-ibig at ang probabilidad ng karahasan sa lupa na tanging dagat ang rekurso; at iba pa. At tulad ng dagat, pinapadpad ang manonood sa iba’t ibang eksena ng buhay ng mga taga-breakwater.

Maliban sa Nunal sa Tubig (Ishmael Bernal, 1976), walang iba pang pelikula na ang dagat ay isang karakter sa pelikula, at ang antropolohiya ng buhay ng dagat sa isla (at sa breakwater) ay natalakay nang napapagbigkis ang individual, komunidad, pambansa at transnasyonal na kontexto kundi itong natatanging pelikula ni O’Hara. At tulad ng pagkapadpad ng mga tao sa breakwater, ang pagtatanghal nila sa laylayan bilang tahanan at pamayanan sa tunay namang pinakasantabing lugar sa syudad, halos natitiyak na ang rekurso ng estado at ng mismong mamamayan.

Brutal ang karahasan sa iba’t ibang antas na maari itong mapadaloy, maging sa pinakalaylay na lugar sa syudad. Primitibo ang mga sekswal na pagnanasa—komersyal at puro—kahit pa sa huli, ang wagas na pag-ibig ay hindi tutumbas sa kalakaran na pati ang sekswalidad ay kinakalakal at kinukurakot na rin. Sa loob ng sidecar o sa kartong barongbarong, sa kalsada’t sa breakwater, ang sekswal na pagnanasa ay nabubuhay, kumikita at nauudlot.

Sa pagitan ng syudad at ng dagat, ang breakwater ay pamayanang nasa bukana at katapusan ng kawalan. Ang pwersa ng kapangyarihan sa syudad ang bumubuo ng pagkasantabi ng pamayanan sa pinakalaylayan (na sa aktwal na lokasyon ay ilang metro lamang ang layo sa embahada ng U.S.). Kaya ang dagat ay nananatili sa kanyang simbolikal na posisyon: bilang sabayang tagapagpadaloy ng basura ng syudad at ng pangako ng pag-ibsan at mobilidad mula rito.

At tulad sa anupamang kwento ng maliit na sityo, narito rin ang mga stock na karakter: dalawang mangingibig na may wagas na pagmamahal at magiging balakid sa kanilang individual na pag-usad; ang punong gangster, pilay pero pintor, na maghahawan ng sunod-sunod na trahedyang magpapahiwalay sa mangingibig; ang magkapatid na umaasang mas mabuting buhay; at ang sugong musikero (Yoyoy Villame) na nagmimistulang koro sa panlipunang melodramang bumabalot sa pelikula.

Namumutiktik sa mga simbolo at simbolikong eksena ang pelikula: mga basurang nakalutang na tulad ng mga buhay na inanod sa breakwater ay walang patutunguhan kahit pa may pinanggalingan; mga tinaksing babae sa barko at ang peligro ng buhay ng kawalan-pagtakas sa karahasan at komersyong bumubuhay sa mga sex worker, crew, marino’t kapitan, pati na rin sa mga barkong hindi hiwalay ang buhay sa negosyanteng nagmamay-ari nito.

At ito ang hiwalay na isla sa breakwater. Dahil pinamamahayan ito ng mga stock na karakter, inihiwalay ang lokasyon sa syudad at dagat, simbolikal ang rehistro ng subersyon ng pelikula. Wala ring pagtakas maliban na lamang sa alternatibong karahasan at kagyat na kamatayan ng mga taong naninirahan dito. Pero hindi rin ba ito ang kapangyarihan ng pelikula at sining? Ang kapangyarihang makapaglahad ng subersyon na simbolikal sa mismong akda bilang kontrapunto sa aktwal na karahasan sa lipunan, at ehersisyo tungo sa realisasyon ng simbolikal tungo sa aktwal na transformasyon ng subersyon?

Teatriko ang Babae sa Breakwater dahil alam ni O’Hara na tanging sa sining epektibo ang kanyang isinasaad na pagtatanghal ng pang-araw-araw na buhay at karahasan, at ang simbolikong pagbabalikwas sa huli tungo sa utopia ng aktwalisasyon nito sa aktwal na hinaharap.