The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

Ang Mundo sa Panahon ng Yelo: Kamatayan at Nihilismo bilang Tangkang Subersyon

  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Ni Rolando B. Tolentino

Trilohiya ang pelikula ni Mes De Guzman, kahit pa dalawa lamang ang tapos na: Ang Mundo sa Panahon ng Bato at Ang Mundo sa Panahon ng Yelo. Parehong papalubog sa kumunoy ng buhay at lipunan ang mga pelikula. Sa una, tinalakay ang pagkatuklas ng ginto sa isang lubluban ng kalabaw, at ang transformasyon ng pamilya tungo sa negosyong minero, gamit ang mga kapatid at kaedad nito bilang tagasisid para sa ginto. Sa huli, ang paghihiwalay ng magkapatid para manatili ang kuya sa kanyang troll at ang nakababatang kapatid para maging paslit na manggagawa sa pwesto ng yelo sa pantalan ng isda.

Walang mga magulang sa dalawang pelikula. Lumulubog ang kung anong labi ng pamilya sa pagitan ng kahirapan ng mas makapangyarihang buhay at ng kamatayan. Sa una, namatay sa sakit ang kuya, matapos ay ang natitirang magkapatid ay lumusong sa lubluban para hindi na muling umahon. Sa huling pelikula, naiwan sa storage ng yelo ang nakababatang kapatid, at pinack sa yelo ng kuya para paanurin at ilibing sa dagat.

Wala nang kapangyarihan ang mga politikal na institusyon sa bansa para arugain ang pamilyang Filipino. Ang isinasaad pa nga sa duplong pelikula ay ang indictment ng nawawalang institusyong ito sa nakagawiang ekonomiyang kondisyon. Sa una, ang entrepreneurial na skill ng kuya para maging maliit pero mapanupil na negosyo ng minahan, kahit pa ang mga kapatid ang kalahok sa produksyon. Sa ikalawa, ang siste ng mangangabog (tagataboy ng isda), tripolante (tagahila ng lambat), at mga paslit na taglinis at tagabantay ng bata, pati na rin tagasubaybay kung sumabit ang mga lambat at pagsabog ng dinamita.

Sa mundong isinasaad sa duplong pelikula, wala nang kamusmusan at kabataan, at pagtanda. Lahat na lamang ng ito ay binubura sa sisteng pyudal at kapitalismo. At ito ang kapangyarihan ng dalawang pelikula, ang kapasidad nitong lumikha ng filmikong lipunan na hindi na ito tinatanong, inihahayag na lamang bilang ang realidad ng maraming musmos, paslit, bata, kabataan at batang matatanda sa mga ekonomikong sityo ng bansa.

Ito ngang mga latak na sityo ay kagyat na ring nakapaloob sa mas malaking ekonomikong kalakaran. Walang ligtas sa ekonomikong produksyon kahit pa ang politikal ay kakabit na lamang ng mas makapangyarihang ekonomiya sa bansa. Kahit pa sa kapyudalan ng mga sityong piniling tahakin sa duplong pelikula, matalas ang sandaling isinasakdal: ang neoliberalismo sa bansa o ang kalakarang mas makapangyarihan na ang pribadong negosyo, at ang papel ng pamahalaan ay tiyakin ang kapangyarihang nakapisan sa ekonomiyang kondisyon.

Hindi nagpapatumptik ang pelikula sa nais nitong isaad. Hindi ito apolojetiko sa nais sabihin, lalo na sa natural na daloy ng mga kaganapan sa sisteng neoliberal: ang literal at figuratibong kamatayan ng kamusmusan at ng kabataan, ang pagkalusaw ng pamilyang Filipino, at ang masaklap na pagpapatuloy ng mapaniil na buhay sa ganitong kondisyon. Kamatayan at nihilismo ang tinatangkang subersyon ng duplong pelikula.

Sa maraming pagkakataon sa pelikulang Filipino, hindi ito karangal-rangal. Sa pelikula ni Lino Brocka, ito ang paglagay sa kamay ng dinustang karakter para magkaroon ng pagdanas ng individual na katarungan: ang pagbuhos ni Bona ng kumukulong tubig sa katawan ng artistang sinasamba matapos matuklasan ang pagkalinlang sa mahabang panahon ng paglilingkod. Kay Brillante Mendoza, ito naman ang kawalan ng inosensya matapos dumanas ng rookie na estudyante ng criminology ng aktwal na leksyon ng buhay ng mismong pulisyang nais mapabilang.

Sa duplong pelikula, wala nang pagtatangkang pagtakpan pa ang matagal nang sinasakal na individual na tauhan. Walang pretensyong bubuti ang buhay o inosensya lamang ang nawawala. Mismong buhay ang imprenda sa ekonomiyang kapalaran, kaya mismong buhay ang sinisingil at ikakatalo. Ang pakikipagsugal sa kapitalismo sa kasalukuyang ekonomiyang kondisyon ay nagsasaad ng buhay ang kapalit. Kaya kamatayan ang natural na lohika ng lahat ng kaganapan.

Hindi magandang kamatayan ang isinasaad—lalo na sa Ang Mundo sa Panahon ng Bato—kundi ang kamatayang pang-araw-araw, ang unti-unting pagkawala ng di naman nakikitang abang buhay. Sa Ang Mundo sa Panahon ng Yelo, may pagtatangka pa itong gawing Latino Amerikano, magical gaya ng Babae sa Breakwater, na ipaanod sa dagat ang namatay para parating maalala kapag napatingin sa dagat, lalo pa’t para sa mga dinusta, wala naman talagang ibang mundo at pananaw kundi ang dagat.

Ang nihilismo at tagumpay ay nagtatagumpay dahil matagal nang nagtagumpay ang aktwal na ekonomiyang kondisyon sa pyudalismo-kapitalismo na gawing di nakikita, patay at burado ang mga dinustang buhay. Na kahit na mismong dinustang buhay, ito ay hindi na rin nakikita sa sarili dahil ang natatanaw ng marami ay ang fantasya ng malls, fastfood, modernong buhay sa telenovella at ads. Kung magpakaganito, by extension, ang isinasaad ng pelikula, lalo na sa manonood ng indie films, ay ang self-referentiality ng kamatayan: na tayong manonood ng kamatayan ay matagal-tagal na ring patay sa iisang sisteng ang kamatayan ng buhay ang kinakailangan para mabuhay ang lokal at pandaigdigang ekonomiyang kalakaran.