The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

Ang Mundo sa Panahon ng Yelo: Kalawang sa Bakal

  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Ni Mario A. Hernando

Naiiba ang mga pelikula ni Mes de Guzman. Sa iba’t ibang klase ng lugar nagaganap ang mga kwento, pero sa iisang bagay nakatuon ang kanyang interes—ang kalagayan ng mga batang maralita, mga paslit na hindi pa nakakahawak ng Playstation, kumakayod at kung mapalad ay nag-aaral para mabuhay.

Sa pangalawang ginawa ni De Guzman, ang Ang Daan Patungong Kalimugtong, pumunta siya sa kabundukan at kagubatan ng Cordilleras upang bisitahin at alamin ang kalagayan ng dalawang batang tinatahak ang malayo at masukal na landas mula sa tinitirhan hanggang sa paaralan, at sa pag-uwi. Sinundan niya ang Kalimugtong ng dalawa sa trilohiyang pelikula na pinamagatang Ang Mundo sa Panahon ng Bato (ang ikatlo’y hindi pa naisasapelikula). Ito’y nagaganap sa isa pa ring napakalayo at bulubunduking lugar—sa Nueva Vizcaya naman, tungkol sa mga batang sinisisid ang kaputikang parang lawa upang makakuha ng maliliit na bakal o bato na maipagbibili.

Ang isa pa’y nagaganap naman sa tabing dagat, sa isang pantalang puno ng barkong lumang-luma, kalawangin at hindi na nagagamit dahil pinabayaan na lang at iniwan ng mga may-ari nitong “cronies” o pinaborang mga kaalyado ng pinatalsik na diktadura mga 25 na taon nang nakaraan. Sa mga nabubulok na bakal makikita ang mga taong isang kahig isang tuka. Sa Ang Mundo sa Panahon ng Yelo, mga paslit pa rin ang makikita sa istorya, ang isa sa kanila’y si Pempe (Elijah Castillo, ang bida sa pelikulang Pepot Artista) at ang nakatatandang si Digos (Edwin Pamanian, kuya rin sa Bato ni De Guzman).

Hindi malinaw kung ang pangingisda nila ay gumagamit ng muro-ami, ang pagdala ng napakaraming batang lalake sa karagatan, kung saan sila’y pinapasisid upang dikdikin ang mga korales at palabasin sa mga ito ang mga libu-lbong nagtatagong isda, na lalangoy pataas sa mga nakaabang na lambat. Dalawang malaking bagay ang masama sa muro-ami. Una, ang pagsasamantala sa mga bata o pag-abuso sa child labor, at ang paglagay sa kanila sa panganib. May mga batang nabibingi, nalulunod at namamatay sa katagalan ng paglubog sa tubig, at may iba namang nagkakasakit at namamatay sa gutom sa mala-hawlang tulugan sa barko.

Ang isa pa’y ang pagsira ng muro-ami sa kalikasan at paghuli sa lahat ng klaseng isda, pati mga may itlog na sana’y magiging mga isda pa rin. Wala ring pakundangang hinuhuli sa lambat ang mga tinatawag na endangered species, tulad ng dalagang bukid.

Hindi ganito kalala ang pinapakita sa Yelo pero ang paraan ng pangingisda ay hawig sa muro-ami. At ibang kasamaan ang makikita sa Yelo. Ang biktima dito’y ang bata. Tulad ng mga parang alipin na “nakakulong” sa pagkaliit-liit na tulugan sa mga sasakyang-pandagat ng muro-ami, kalunus-lunos ang kalagayan ng mga bata sa pantalan ng Yelo. Di nila batid ang kinabukasan pero ang alam nila’y sila’y nalulungkot. Ang isa pa nga’y walang tigil na ngumunguyngoy at gusto na’ng umuwi. Tatalon daw siya sa tubig pero alam ng isang nakatatandang kasama na hindi naman itutuloy ang banta. Nagkakaasaran din ang mga bata at magre-wrestling pero di maglalao’y magkakasundo rin.

Ang higit na pinahalagahan ng drama—kung ito ma’y maituturing na drama dahil may pagka-dokumentaryo ang estilong ginamit ni De Guzman—ay ang relasyon at samahan ng magkapatid na si Digos at Pempe. Malaki ang agwat sa edad ng dalawa pero kitang-kita ang malasakit sa isa’t isa. Hindi ito soap opera kaya’t pinapakita lamang ng pelikula ang pag-aruga at pag-asikaso ni Digos sa kapatid, tulad ng pagpunas niya sa duguang nguso nito matapos makipag-away sa isa pang bata.

Sanay na ang dalawa sa buhay sa pantalan. Pinagtangkaan ni De Guzman na dalhin ang istorya sa antas ng alamat, dahil ang magkapatid ay buong araw nakalubog sa tubig kaya’t pinaghihinalaang mga shokoy (mermen), pero di na ito binalikan pa ng direktor. Sa halip ay nilinaw niyang tao ang dalawa, na mortal at may kahinaan. Alam ni Digos na ligtas ang bata sa anumang panganib na maaaring dumapo dito, kaya’t sandali niyang hahanapin ito pag nawawala, at babalik agad sa trabaho. Panatag kasi ang loob niya na nasa tabi-tabi lang ang kapatid. Kahit na pumalaot siya o paghiwalayin sila, kampante siya na… nasa tabi-tabi lang ito.

Ang hindi lang napag-ukulan ni Digos ng pansin ay ang damdamin ng bata, na sa kabila ng pagbalita ng isang kasama na may mabigat na hinanakit sa kanya, ay pinalampas lang. May sama ng loob si Pempe sa kapatid, at inaaliw na lang ang sarili sa pagbababad sa loob ng isang freezer, sa tabi ng pagawaan ng yelo, at doon umiiyak, kumakain, nagmumuni-muni, at kinakausap at hinihimas ang malamig at matigas na yelo.

May mga minor characters sa paligid. Nandyan ang amo nilang ang tawag ng lahat ay Maestro (Joe Gruta), na hawak sila sa leeg. Maliit lang ang mundo ng mga tauhan pero si Digos at Pempe ang nilalang na tunay na tao sa buong kapaligiran. Ang iba’y parang mga laruan o mannequin lang na gumagalaw. Sa harap ng kamatayan, nakatunganga lang sila, mga usyoso lang, may napapakamot at ang isa’y lumuluha.

Kahanga-hanga at minsa’y kamangha-manghang kinunan ang mga ito ni Albert Banzon. Langit, tubig, at nabubulok na bakal ang madalas makikita sa Yelo—sa kataasan ng araw, takipsilim, at gabi, at napadpad din ang camera isang gabi sa isang consignacion, kung saan pinapakita ang dose-dosenang banyera’t laman nitong mga isda’t pusit.

Sa malawak na imaheng iyan gumagalaw ang dalawang pobresitong walang tigil ang paghahanapbuhay. Ang kasiyahan lang nila’y ang magkatuwaan o magvideoke sa isang tindahan (katabi dito ni Digos ang isang babae). Maliban sa panandaliang munting ligaya at kapatiran nilang dalawa, tila sinasabi ng pelikula na parang walang saysay at kaabaaba ang buhay ng mga maralitang mangingisda. Sa pagwawakas ng pelikula, makakaramdam ang mga manonood ng lamig na parang yelo sa trahedyang magaganap.