The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

Natatanging Gawad Urian kay MIKE ACCION

  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Ni JUSTING DORMIENDO

Lubhang mahalaga ang papel ng isang sinematograper sa pagbuo ng pelikula. Dahil ang pelikula ay isang uri ng sining biswal, nakasalalay sa sinematograper ang pagla-larawan sa nilalaman nito. Sa pamamagitan ng pag-iilaw, komposisyon, galaw, at iba pang kaugnay na teknik ng kamera, malaki ang ambag ng sinematograper sa pagbibigay-buhay sa istorya at pagpaparating ng mensahe nito sa mga manonood. Maihahanay si Mike Accion sa mga pinakamahuhusay nating sinematograper. Nakatulong siya nang malaki sa pagsulong at pag-unlad ng sining ng pelikula sa ating bansa sa loob ng mahigit na apatnapung taong kanyang paglilingkod bilang malikhaing cameraman.

Nagsimula si Miguel ("Mike") Accion bilang clapper boy sa bakuran ng Sampaguita Pictures. Taong 1937 at tinatapos niya ang pag-aaral sa University of Manila high school Si Congressman Pedro Vera, and isa sa mga nagtatag ng Sampaguita at kapwa taga-Catanduanes, ang nag-alok sa kanyang magtrabaho sa istudyo. Pero di naglaon ay naanyayahan siyang lumipat sa bagong-tatag na istudyo, ang LVN, sa paanyaya ng kanyang mga kaibigang direktor na si Carlos Vander Tolosa at artistang si Ely Ramos. Dito ay nabigyan siya ng pagkakataong mag-aprentis kay Remigio Young, isa sa mga batikang cameramen sa panahong yaon. Noon pa ma'y kakikitaan na si Accion ng masidhing interes para matutuhan ang trabaho ng sinematograper. Paminsan-minsan ay napasama rin siya bilang artista sa ilang mga peiikula ng LVN na gaya ng Tambol Mayor (1949).

Pero sa likod ng kamera nahasa nang husto si Mike Accion. Tumanggap siya ng malaking break nang mapili siyang assistant ng cameraman na si Rafael Salumbides. Nagkaroon siya ng oportunidad na pag-aralan nang mabuti ang lengguwahe ng kamera, at sa tulong ng mga libro at babasahin at sari-saring assignment gaya ng newsreel coverage ay naging bihasa siya sa mga pamamaraan ng sinematographiya. Ang kauna-unahan niyang pelikula bilang cameraman ay ang Malaya (1948), sa direksiyon ni Luis Silos. Nang mapanood ang kanyang trabaho ng pangunahing direktor ng LVN na si Lamberto Avellana ay agad siyang inalok na maging carmeraman nito. Dati na silang magkasama ni Avellana sa tanghalan noong panahon ng Hapon kaya hindi niya mahindian ang alok sa kanya.

Mula noon ay naging palagian na ang kolaborasyon nila ni Avellana, lalo pa nang umani ng tagumpay at mga papuri ang una nilang ginawa, ang Kandilerong Pilak (1954), na nagpapanalo kay Lilia Dizon bilang best actress sa Cambodian Film Festival. Sinundan pa ito ng mas marami pang tagumpay sa iba't ibang paligsahang pampelikula. Napiling best picture ang Anak Dalita sa 1956 Asian Film Festival, at humakot ng maraming award ang Badjao sa festival na ito sa sumunod na taon, kabilang na ang pinakamahusay na sinematograpiya para kay Accion. Sa FAMAS naman ay nanalo rin siya para sa Walang Sugat (1957). Siya rin ang sinematograper ni Avellana sa A Portrait of the Artist as Filipino, na napiling best cinematography sa Citizens' Council for Mass Media noong 1965, at ng Malvarosa, sa direksiyon ni Gregorio Fernandez, na naging panlaban ng Pilipinas sa Asian Film Festival noong 1958 at nagpapanalo kay Rebecca del Rio bilang best supporting actress.

Nakasama rin ni Mike Accion sa paggawa ng pelikula ang isa pang iginagalang na direktor ng pelikulang Pilipino, si Gerardo "Manong" de Leon. Sino nga naman ang makatatanggi sa alok ng direktor na noon pa ma'y pawang dekalibre ang mga trabaho? Ang kanilang mahusay na kolaborasyon ay napanood sa mga pelikulang maituturing na ngayong mga klasiko gaya ng El Filibusterismo (1962), Ang Daigdig ng mga Api (1965), at marami pang iba. Ang kahuli-huling obra ni de Leon ay kinunan din ni Accion, ang Juan de la Cruz, na sa kasawiang-palad ay hindi na natapos dahil sa pagkamatay ng direktor noong 1982.

Namumukod din si Mike Accion sa mga naunang sinematograper hindi lamang sa lawak ng kanyang impluwensiya sa kanyang mga kasamahan sa trabaho kundi lalo na sa makatotohanang pamamaraan ng pagkuha niya ng larawan. Sa maraming pelikula ni Accion ay naiiwan ang kanyang personal na tatak. Makikita ang kanyang istilo sa pamamagitan ng kanyang malikhaing paggamit ng subject sa bawat frame, sa maingat na komposisyon, at lalo na sa epektibong pamamaraan ng pag-iilaw na totoong nakatawag ng pansin lalo pa't sa black-and-white ang pelikula.

Pinayaman din ni Accion ang lengguwahe ng sinematograpiya sa ating bansa. Nanguna siya sa paggamit ng back lighting, isang teknik na nagpatindi sa texture ng mga larawang kuha niya, at sa hinihinging dramatic effect ng mga eksena. Maituturing din siyang nag-iisang gumagamit noon ng rolling perambolator at paglalagay ng kamera sa wheelchair para matumbasan ang tinatawag ngayong dolly shot. Isa pang patunay sa pambihirang abilidad ni Accion ay ang maagang paggamit niya ng hand-held camera, na nakatulong nang malaki sa pagbibigay ng realismo sa mga kinukunang eksena.

Para kay Mike Accion, walang imposible, maging anuman ang pangangailangan ng interior or exterior mang tagpuan. Noong panahong yaon ay hindi pa ginagamit ang teknik ng multi-filtering effect, na nag-aalis sa mga balakid at mga pagbabago sa iba't ibang elemento gaya ng ulap, kalangitan, at init ng araw. Nanguna si Accion sa paggamit sa teknik na ito.