The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

Natatanging Gawad Urian kay MANUEL SILOS

  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Ni AGUSTIN SOTTO

Kung naaabot na ngayon ng industriya ng pelikulang Pilipino ang kasanayan sa teknik at lengguwahe ng pelikula, ito ay utang sa mga taong nanguna upang umunlad ang pelikula. Isa sa mga taong ito ay si Manuel Silos – actor, direktor, manunulat, musiko, tekniko, at imbentor – na ang apatnapung-taong buhay sa pelikula ay sakop ang panahon ng silent at talking pictures.

Ipinanganak noong Enero 1, 1906, ang ama’y musiko na nagtatag ng isa sa mga unang istudyo ng retrato sa Maynila, si Manuel Silos ay namulat ng maaga sa potograpiya. Ikaapat siya sa pitong anak – magiting na pamilyang kinabibilangan nina Luis Silos (soundman), Octavio Silos (direktor), Cesar Silos (cinematographer), at Augusto Silos (labman).

Noong 1927, dinirehe ni Manuel Silos ang isang 16mm silent film na hango sa isang almanac comic strip na pinamagatang “Tres Sangganos.” Pagkatapos, ginawa itong serye na may tatlong parte na ang pamagat ay “The Three Tramps.” Ang magkakapatid na Silos ang gumanap, kumuha, nag-edit, at nagtapos ng pelikula sa isang pansamantalang laboratoryo.

Noong 1930, nang itatag ang Banahaw Pictures, nilapitan si Manuel Silos, kasama si Carlos Vander Tolosa, upang magdirihe para sa kompanya. Ang dalawang direktor ang naglayo sa pelikulang Pilipino sa impluwensiya ng entablado tungo sa paggamit ng montage.

Nang dumating ang talkies noong kalahatian ng dekadang 1930, nanguna si Manuel Silos sa paggamit ng mga bagong teknik at pagpapatunay sa mga banyagang tekniko ng kagalingan ng mga Pilipino. Tagumpay ang kanyang unang pelikulang nagsasalita, ang “Mag-inang Mahirap,” na nilabasan nina Rosa del Rosario at Jose Padilla Jr. Lumipat si Manuel Silos sa Parlatone Hispano-Filipino sa ilalim ni Jose Nepomuceno at nagdirihe ng mga pelikula gaya ng popular na “Lagablab ng Kabataan." Nang matatag ang Sampaguita Pictures noong 1937, dinirihe-ni Manuel Silos ang ilang pelikula gaya ng "Tarhata" at "Dalisay."

Noong panahon ng digmaan, naging aktor si Manuel Silos sa bodabil at manunugtog ng xylophone. Noong 1946, ginawa niya ang "Victory Joe" para sa LVN Pictures; sumunod pa ang ilang pelikula gaya ng "Hawayana", isang co-production ng mga Pilipino at Indones noong 1953, hanggang sa "Biyaya ng Lupa" noong 1959.

Bukod sa mga feature film, gumawa rin si Manuel Silos ng comedy serials, thriller shorts at newsreels, gaya ng pagsabog ng Bulkang Mayon.

Dahil sa kanyang kinalakhan, naging bagay na bagay na direk-tor si Manuel Silos ng mga pelikulang musikal. Nakilala siya bilang direktor ng "Ay! Kalisud" na nagtatag kay Fely Vallejo bilang superstar. Ang karanasan ni Manuel Silos sa bodabil ay nakatulong sapaglikhang mga di-malilimutang numero gaya ng "Hagdanan ng Kalayaan."

Kasabay ng kanyang pagdirihe sa pelikula, nag-ambag din si Manuel Silos sa pagpapabuti ng teknolohiya ng pelikula lalung-lalo na sa animation at trick photography. Pinagbuti niya at pinapatente sa malaking halaga ang Synchro lens - - maagang anyo ng zoom lens at ang Siloscope, isang lens na nakakakuha ng anggulong 90 degrees ang lawak.

Ang interes na ito sa electroniko at musika at lumikha ng naiibang uri ng musikal - - ang kamera ay hindi tagakuha lamang ng mga pangyayari kundi isang aktibong miyembro ng tropa. Ang kanyang pagkabighani sa electroniko ng radyo ay makikita sa "Misteryoso," "1-2-3" at "Puppy Love." Natatangi rin ang “Tuloy ang Ligaya" na ginamitan niya ng split screen at dito'y nagawa niyang parang kasayaw ni Nida Blanca ang kamera.

Natatandaan si Manuel Silos bilang direktor ng "Biyaya ng Lupa" na isinulat ni Celso Al. Carunungan. Ganap sa pelikula ang kasiyahan at masaklap na realidad ng buhay-lalawigan. Maipagmamalaki sa pelikulang ito ang pagkaka-ganap nina Leroy Salvador at Joseph de Cordova.

Marami nang nakinabang sa mga nagawa ni Manuel Silos. Dahil sa kanya, kasama ang ilan pang nangunang manlilikha sa pelikula. Mahahakbang ng pelikulang Pilipino ang kanyang pagkamusmos tungo sa pagkagulang.