The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

Natatanging Gawad Urian kay LUIS NOLASCO

  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Isinilang si Luis F. Nolasco sa pagpihit ng siglo, at sa mga unang yugto ng kasaysayan ng pelikulang Filipino, mahalaga ang papel na kanyang ginampanan sa paglalatag ng landasing tatahakin ng industriya. Sa paglipat mula sa silent pictures tungo sa sound movies sa panahon ng matuling pagsusulputan ng mga istudyo noong dekada ng 1930, natanyag bilang pinuno ng industriya si Nolasco. Apat na pangunahing istudyo ang tinulungan niya upang mapaunlad. Bunga ng kanyang pagsisikap ang pagsapit ng produksiyon ng mga pelikula sa antas ng pagiging industriya. Siya ang nagpatatag sa studio system na lubhang kailangan para sa maramihang paglikha ng mga pelikula.

Wala pang tunog ang mga pelikula nang simulan ni Nolasco ang kanyang karera sa pelikula. Sa ilalim ng Malayan Pictures ni Jose Nepomuceno, na madalas bansagang "Ama ng Pelikulang Pilipino," naglingkod si Nolasco bilang publicity director at dialogue writer. Sa paggabay pa rin ni Nepomuceno, nagsulat si Nolasco para sa Parlatone Hispano-Filipino ng mga iskrip noong 1935.

Taong 1937. Itinatag ni Luis F. Nolasco ang Sampaguita Pictures para sa isang pangkat ng mga mangangalakal na pinangungunahan ni Kgg. Pedro O. Vera. Sa panahong iyon, madalas na ang pagpupondo ay hindi siya mismong nangangasiwa sa negosyo. Bilang production manager ng Sampaguita Pictures, nagsampa si Nolasco ng malaking yaman sa istudyong ito. lyon ang panahon ng pagsikat ng mga direktor na tulad nina Carlos Vander Tolosa, Gregorio Fernandez at Manuel Silos, at ng mga bituing tulad nina Rogelio de la Rosa, Elsa Oria at Rosario Moreno. Sa bisa ng kanyang posisyon bilang tagapangasiwa ng produksiyon, kay Nolasco nagmula ang mga pagpapasiyang may kinalaman sa sining at sa administrasyon. Ang istoryang isasapelikula. Ang pagtuklas ng mga bagong bituin. Ang direktor na hahawak sa pelikula. Ang mga tauhang hahawak sa mga gawaing teknikal. Ang pagpino sa mga pamantayang panteknika sa paggawa ng pelikula. Ang pagbalangkas ng iskedyul sa siyuting. Ang pagsubaybay sa yugto-yugtong proseso ng produksiyon. At pati na ang pagbabalak ng istratehiya sa publisidad. Sa hanay ng kanyang mga kasamahan sa industriya, si Nolasco ang tunay na nagtanim ng pagpapahalaga sa disiplina - - iginiit niya sa tuwina ang pagiging maagap sa pag-alinsunod sa iskedyul, subalit hindi naman siya nagkulang sa pagpapasigla sa pagkamalikhain ng mga artista at teknikong nakapailalim sa kanya.

Noong 1939, naging pag-aari nina J. Amado Araneta at Placido Mapa Sr. ang Philippine Films. Nahirang na production manager si Nolasco, at lubos-lubusan ang ginawa niyang reorganisasyon ng istudyong ito. Pinalitan niya ang mga teknikong dayuhan ng mahuhusay na teknikong Pilipino. Bukod sa rito, may mga bagong direktor na binigyan niya ng pagkakataon, at kabilang dito sina Lamberto Avellana at Ramon Estella, na sa ilalim ng kanyang pangangasiwa nakalikha ng ilan sa pinakamahuhusay na obra, tulad ng "Sakay" (Avellana) at "Huling Habilin" at "Buenavista" (Estella).

Naging production manager ng Excelsior Pictures si Nolasco noong 1940. Katangi-tangi ang naging katayuan niya — sa iisang panahon ay production manager siya ng tatlong pangunahing istudyo. Isinaayos niya ang organisasyon ng Excelsior at ang paglago ng tubo nito ay utang sa maingat na pag-ugit ni Nolasco.

Naganap noong 1941 ang kanyang ambisyong makapagtayo ng sariling kompanya. Itinatatag ang Nolasco Bros., subalit sinamang-palad na natapat ang pagbubuo ng kompanya sa pagsiklab ng Digmaang Pasipiko. Binuhay na muli ni Nolasco ang kompanya pagkatapos ng digmaan, at kabilang sa mga ipinalabas ng Nolasco Bros, ang "Fort Santiago," "Siete Dolores," at "Mga Busabos ng Palad." Sa panahong ito niya tinuklas ang mga bituing Rosa Rosal, Leila Morena at Lilia Dizon. Nang si Doña Sisang ng LVN Pictures ay magkasakit, sumandaling naging katulong siya ng matanda sa pagpapatakbo ng nasabing istudyo noong 1957.

Isang mabungang manunulat si Luis F. Nolasco. Mahigit na-sandaang iskrip ang kanyang nasulat, kabilang dito ang "Pakiusap," "Bituing Marikit," "Madaling Araw" at "Nasaan Ka, Irog." Naging editor din siya ng mga magasing pampelikulang Literary Song-Movie at Manila Movies, na kapwa nalimbag bago sumiklab ang digmaang Pasipiko.

Sa wikang Espanyol, premyadong manunulat si Nolasco. Noong 1979, napasakanya ang Premyo Zobel bilang pagkilala sa kanyang kahusayan. Nagsulat siya para sa mga peryodikong El Debate at La Opinion, at naging kagawad siya ng Academia Filipina. Patnugot siya sa kasalukuyang ng seksiyong pampanitikan ng lingguhang Nuevo Horizonte.

Tagapangasiwa ng produksiyon, manunulat ng mga dulang pampelikula, patnugot ng mga magasing pampelikula, alagad ng panitikan at peryodista — mababa, matapat at mabunga ang naging paglilingkod ni Luis F. Nolasco sa sambayanang Pilipino sa larangan ng pelikula.