The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

Natatanging Gawad Urian kay GERARDO DE LEON

  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Ni AGUSTIN SOTTO

Maraming namamangha sa industriya ng pelikulang Filipino. Nagtataka sila kung paano nakagagawa ng mahuhusay na pelikula sa kakapiranggot na badyet, lumang kagamitan, at limitadong commercial market. Kung paano nakagagawa ng mga pelikulang klasiko ang Filipino sa mga kondisyong ito ay utang sa kanyang pagkamalikhain at pagkamautak.

Isa sa mga Pilipinong ito ay si Gerardo de Leon, o Manong sa kanyang mga kasamahan sa pelikula. Sa loob ng apatnapung taon, nakagawa siya ng humigit-kumulang sa pitumpong pelikula karamiha'y maituturing na klasiko.

Ang Daigdig ng mga Api, Noli Me Tangere, El Fili-busterismo, Sisa, Tayug (Ang Bayang Api), Hanggang sa Dulo ng Daigdig, Dyesebel, Ifugao, at The Moises Padilla Story ay ilan sa kanyang mga natatanging pelikula.

Ang kanyang sining ay napagyaman sa puwersa ng ekonomiya. Dahil sa bigat ng gastos sa paggawa ng pelikula, ginamit niya ang kanyang kaalaman at likas na talino upang makalikha ng mahuhusay na pelikula, kundi man mga klasiko.

Napakaepektibo ng kanyang pagsasanib ng nilalaman at pamamaraan na ang kamera ay nagiging kabahagi ng istorya. Maraming di malilimutang eksena ang nakakintal sa isipan ng mga humahanga sa mga pelikula ni Manong: ang eksena ng paglibing sa dagat kay Lola Young sa Sanda Wong; ang pagpapakamatay ni Charito Solis sa El Filibusterismo; ang paglalahad ng nasisirang bait ni Anita Linda sa Sisa; ang pangako ng paghihiganti ni Pancho Magalona sa Hanggang sa Dulo ng Daigdig.

Makikita rin sa mga pelikula ni Manong ang mahuhusay na pagganap ng mga aktor at aktres: Anita Linda sa Sisa at Hanggang sa Dulo ng Daigdig; Leila Morena at Jose Pad ilia, Jr. sa Diego Silang: Leopoldo Salcedo sa The Moises Padilla Story; Oscar Keesee at Arsenia Francisco sa Huwag Mo Akong Limutin; Barbara Perez at Robert Arevalo sa Ang Daigdig ng mga Api; Charito Solis sa El Filibusterismo.

Sa kanyang mga pelikulang komersyal, naipakita rin ni Manong ang kanyang galling - ang ordinaryo ay nagawa niyang kakaibang aliwan. Ang Dyesebel ay isang paboritong pelikula; ang Sawa sa Lumang Simboryo ay nagpasimula sa mga pelikulang tulisan na nagging popular noong dekadang '50. Ang Banga ni Zimadar, Sanda Wong ay kapwa kamangha-manghang pelikulang pantasya.

Nakagawa siya ng iba't ibang genre ng pelikula - kabilang na ang ilang pelikulang koboy, gaya ng Simaron at Barilan sa Pugad Lawin.

Nagmula sa angkan ng mga Ylagan na kilala sa pelikula at entablado, nag-umpisa si Manong bilang piyanista sa Cine Moderno noong nakakorto pa siya. Nang mauso ang pelikulang ''talkies" narinig ang kanyang boses mula sa likuran ng telon, ginagagad sa Tagalog ang diyalogo ng mga artista sa puting labing. Lumabas din siya sa entablado at pelikula, at nakilala sa kanyang pagganap sa Ama at Anak at Tayug (Ang Bayang Api). Nagtapos ng medisina si Manong, ngunit natagpuan niya ang kanyang linya sa paggawa ng pelikula.

Sa ngayo'y halos pitumpong pelikula na ang nagagawa ni Manong. Ang ila'y di lamang basta-basta pelikula - kundi mga klasikong pelikula. Kamangha-mangha ito, lalo na kung isasaalang-alang ang kondisyon ng paggawa ng pelikula sa ating bayan.