The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

Filmography

Babae sa Breakwater

Babae sa Breakwater: Anthropolohiya ng Breakwater at Pelikula

Ni Rolando B. Tolentino

Natatangi si Mario O’Hara bilang direktor hindi lang dahil marami itong sakop na gawain, pawang angat sa kahanay, kundi isa siya sa nakakapaglatag—sa pamamagitan ng pelikula—kung ano ang angkop na papel ng sining sa filmiko at aktwal na lipunan. Ang kwintisensyal na pelikula ni O’Hara sa naunang dekada ng bagong siglo ay Babae sa Breakwater, isang madilim—halos absurdo—na mahika-realismo ng mga buhay sa breakwater ng Roxas Boulevard at Manila Bay.

Sentral ang dagat sa naratibo ng pelikula: kung bakit napadpad ang mga taga-kung saan-saan sa breakwater; mga inimbento at urbanong alamat hinggil sa dagat bilang simula’t dulo ng buhay, at bilang tagapag-ugnay sa after-life; ang imposibilidad ng pag-ibig at ang probabilidad ng karahasan sa lupa na tanging dagat ang rekurso; at iba pa. At tulad ng dagat, pinapadpad ang manonood sa iba’t ibang eksena ng buhay ng mga taga-breakwater.Read more