The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

Porno (2013)

  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Mistulang Arsenal ng Postkolonya-Lismong Lumabnaw na

Ni Benilda S. Santos

Mula pa sa salitang Griyego—pornographos—ang pornograpiya na mula naman sa isina-Ingles na pornography. Tinutukoy nito ang mga antigong sulatin na tungkol sa buhay ng mga babaeng nangalakal ng kanilang katawan, at kasama na rin ang tungkol sa buhay ng kanilang mga tagatangkilik na dinulutan nila ng kasiyahan. Sa Porno na pelikula ni Alix, wala na ang anyong sulatin. Nasa anyong DVD na ang marami sa materyal na pornograpiko, at bagaman kontrabando, inilalako pa rin nang patago kapag may nanghuhuling pulis, at nang hayagan naman kapag wala. Samakatwid, anumang bagay na hayag na hayag sa anumang materyal na mapaglulunsaran ng pornograpiya sa Porno ay ang pagiging sadyang laganap nito. Lubhang pangmasa na ang porno (maraming DVD nito kahit sa labas lamang ng Mercury Drugstore sa gabi), demokratiko ang murang-murang renta sa mga nagsulputang internet café (at nakakabit na rin dito ang cottage industry ng cybersex na pang-pedophile). Ano pa’t maituturing na isang kakatwang sitio ng bayan ang anumang umiinog sa porno. At ito ang natatanging layon ng Porno ni Alix: ang maglarawan ng isang quasi sosyolohikal/antropolohikal na pag-unawa sa paglaganap ng porno upang maipakita kung paano ito nagiging isang uri ng currency, produkto, o paraan ng pamumuhay sa pagtutulak ng espasyong okupado ng mababa-babang-panggitnang-uri. Read complete review

Nag-Uumapaw na Sex aa Bangkaroteng Mundo

Ni Rolando B. Tolentino

Magkakasalikop na buhay sa isang bangkaroteng lipunan ang sinasambit ng pelikulang Porno. At ang nagtatahi sa mga buhay ay ang marahas at komersyal na spero ng sex at entertainment. Sa sperong ito nagkakaroon ng virtual at angat na tunay na buhay ang mga tauhan: gun-for-hire mula sa preso, porn dubber, at transgender na performer. Epektibo ang pagganap nina Yul Servo, Rosanna Roces, Angel Aquino, at Carlo Aquino; maging ang sinematograpiya, editing, at direksyon.

Ang referensiya ng pagsasabuhay o karanasan sa buhay ng mga tauhan ay ang integral na element ng fantasya, o ang paglinang sa aktwal at historikal na buhay at karanasan sa poder ng imahinaryo: ang fantasya ng pag-asa. Pag-asa na bubuti (pa) ang buhay, pag-asa na ang kinabukasan ay maganda na, pag-asa na liligaya (rin). Read complete review