The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

Pagputi ng Uwak Pagitim ng Tagak (1978)

  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Kuwento ng magkasintahang pinaghiwalay, na ipinaloob sa isang panahong dinadaluyong ang lipunang Pilipinong rebelyong Hukbalahap. Iyan ang buod ng 'Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak'. Dekada ng 1950 noon, at sa pista ng matandang bay an ng Santa Ines ay nagkatagpu-tagpo sina Julie Monserrat (Vilma Santos), Dido Ventura (Bembol Roco) at Maestro Juan Roque (Joonee Gamboa). Mula sa mayaman at makapangyarihang pamilya si Julie, isang ulilang pinalaki at pinapag-aral sa Maynila ng kanyang mga tiyang matandang dalagang sina Beatriz (Adul de Leon) at Miguela (Angie Ferro). Si Dido ay maralitang binatang ang Ina (Mona Lisa) ay may iwing poot sa mga Monserrat na kumamkam sa kanilang lupain at naging dahilan ng kanilang paghihirap. Si Maestro Roque naman ay kilalang kompositor at biyolinista na umuwi sa Santa Ines upang tapusin ang kanyang sarsuwelang pinamagatang "Pangarap ng Bagong Umaga."

Sa unang pagkikita pa lamang ay napusuan ni Dido si Jutie. Nagkahulihan ng loob ang dalawa, at isang gabi'ypinangahasang akyatin ni Dido si Julie sa kuwarto nito. Ang kanilang pagtatalik ay humantong sa pagtatanan. Nang magbalik ang magkasintahan upang humingi ng pahintulot na sila'y pakasal, si Julie ay pinamili ng kanyang mga tiya sa maginhawang buhay na kanyang kinagisnan, at sa walang-katiyakang hinaharap bilang asawa ni Dido. Nagdalawang-isip si Julie, at pinili niyang manatili sa pangangalaga ng kanyang mga tiya.

Masamang-masama ang loob ni Dido sa nangyari. Nang siya ay laitin ng kanyang kasintahang si Cristy (Olivia O'Hara), sinaktan niya ito. Nalaman ni Claro (Robert Talabis) ang ginawa ni Dido sa kanyang kapatid, at nagharap ang dalawa sa isang labanang mano-a-mano. Napatay ni Dido si Claro. Alkalde ng bayan ang ama (Mervin Samson) nina Cristy at Claro, kaya't pinakitos nito ang mga pulis upang iligpit si Dido. Nang gabing lihim na kunin si Dido sa kulungan upang patayin, inambus ng mga Huk ang sasakyan ng mga pulis. Tiyo ni Dido ang pinuno ng mga Huk na si Kumander Salome (Lito Anzures). Sumamang namundok si Dido sa kanyang Tiyo.

Minsang dumalaw sa bahay ng mga Monserrat si Maestro Roque, siya ay hinamak ng magkapatid na Beatriz at Miguela. Mula na rin sa mga tiya ni Julie, natuklasan niya na anak pala niya si Julie sa patay nang si Ana Monserrat. Nang magkahiwalay sina Julie at Dido, nalaman ni Maestro Roque na buntis si Julie. Ito ay dinalaw niya sa konserbatoryong pinag-aaralan ng dalaga sa pagka-biyolinista. Ipinagtapat niyang siya ang ama ni Julie. Tinalikdan ni Julie ang kanyang ama, subalit ang pagdalaw na iyon ang naging dahilan upang magpasiya ang dalaga na huwag ipaampon ang kanyang anak na isisilang.

Nilakad ni Maestro Roque na pagtagpuing muli sina Julie at Dido. Isang gabi ng Mahal na Araw, nagkita ang magkasintahan at nakilala ni Dido ang kanyang anak kay Julie. Natunugan ng mga espiya ng gobyerno ang pagbaba sa bayan ng mga rebeldeng pinamumunuan ni Kumander Salome. Ang uha ng anak nina Julie at Dido ay nangibabaw sa masinsing putukang lumipol kina Dido at mga kasama.