Oros (2012)
Pagtahak Sa Naunang Landas
Ni Rolando B. Tolentino
Dalawa ang pelikulang nakakuha ng aking atensyon sa Cinemalaya 2012, The Animals (Gino Santos), at Oros (Paul Sta. Ana). Ang una ay dahil may tinatahak itong bagong direksyon para sa indie cinema, ang mundo ng maykaya na may self-reflexivity sa kalabisan nito, pati ng media at social media sa pagtataguyod nito. Sa exposisyon ng kalabisan, pati ang abang uri—driver ng taxi—ay nadawit sa paglalahad ng amoral na uniberso nitong uri.
Ang huli ay dahil may tinatahak itong lumang landas, ang subalternong kahirapan, at ang pagkakulong ng mga nandito sa malawakang mundong ito sa bansa. Ang Oros ay tumatalakay ng buhay sa saklaan sa isang komunidad ng maralitang lunsod, at ang kwento ng moralidad na nangyayari sa subalternong mundo na ang patay ay maari pa ring pagkakitaan. Read complete review