Jaguar (1979)
May gayuma ang daigdig ng mayroon. Siya ay wala. Pinilit ni Poldo Miranda (Phillip Salvador) na maakyat ang pinapangarap na daigdig. Mula sa pagiging guwardiya o jaguar sa lengguwahe ng panahon, naging alalay siya ng kanyang amo (Menggie Cobarrubias). lyon ang kanyang pasaporte — ang masabing kabungguang-balikat ng mga maykaya — kahit na sa tingin ng ina (Anita Linda) ay inaalila lamang siya ng mga ito.
Minsa'y naipit si Jaguar sa banggaan ng kanyang amo at ng dating kaibigan nito (Johnny Delgado). Napatay ni Jaguar and huli. Noon niya natutuhang hindi pala siya matatanggap ng pinapangarap ng daigdig. Sa kanyang pagtatago, isa ring tulad niya (Amy Austria) na katawan naman ang puhunan sa kahirapan, ang nagmalasakit. Ngunit may hangganan ang lungga at pangarap. Nagwakas sa bilangguan ang pangarap ng isang guwardiyang nagtangkang takasan ang daigdig ng kahirapan.