The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

Ikaw... at ang Gabi (1979)

  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Isa sa mga tagapakinig ng popular na disc jockey sa radyo na si "Midnight Blue" (Ronaldo Valdez) ang isang maybahay na nagpapakilala sa taguring "Lonesome Me" (Beth Bautista). Madalas tumawag at humiling ng paboritong awit sa D.J. si "Lonesome Me" at di nagtagal ay napagkatuwaan ng dalawang magkita at magkakilala. Nasa lalawigan noon ang asawa ng babae, si Tommy (Dindo Fernando), na mabilis ang pag-asenso sa kanyang pinagtatrabahuhan; ang kasintahan naman ni "Midnight Blue" na si April (Chanda Romero) ay naglalakbay sa ibang bansa.

Maalab ang pag-iibigan ng taga-radyo at tagahanga hanggang sa bumalik sa Pilipinas si April at niyaya ang nobyong magpakasal na. Walang ganyang balak ang binata kaya tinanggihan ang hiling ng babae. Ipinagtapat naman ni Emily ("Lonesome Me") sa asawa ang kanyang kataksilan at ang hating damdamin dito at sa mangingibig. Nagsiklab si Tom at sinubukang kalimutan ang nangyari sa pamamagitan ng alak at ibang babae. Pinagtiyap ng panahon na ang babaeng nakatalik ni Tommy ay si April na masama rin ang loob. Palibhasa'y matalas ang pakiramdam at matalino, napag-ugnay kaagad ni April ang kakatwang kalagayan nila at ang puno't dulo ng suliranin ng bawat isa.

Matiwasay na hinarap ni April ang kaagaw na babae at di naglaon ay nagtagumpay ding himukin ang nobyong announcer na magpakasal na. Si Tom at ang kanyang asawa nama'y di tiyak kung magsasamang muli sa wakas.