The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

Huling Balyan ng Buhi (2006)

Pagkatangi ng Huling Balyan at Ilang Isyu Mula Rito
Ni Rolando B. Tolentino

Mahirap maintindihan ang “Huling Balyan ng Buhi” (Woven Stories of the Other). Apat ang espasyong di direktang nagtatagpo pero pinaghabi ng lokalisadong tunggalian ng hukbong bayan at militar: ang balyan o manggagamot na ang sariling sugat sa mga kamay (parang stigmata) ay hindi niya magamot; ang grupo ng New People’s Army (NPA) na sa pagitan ng paglilipat ng maysakit na kasama ay unti-unting nangapigtas; ang isang sundalo na napalapit, kung posible man ito, sa baylan; at ang magkapatid na tila diwatang naglalaro sa kagubatan, hinahanap ang ina. Ang lahat ng ito ay nakalunan sa katutubong komunidad ng Matisalog at sa Barangay Naplico sa Arakan Valley, North Cotabato. Read complete review