Matapos ang magulong maghapon, may mga taong pagod ang katawan at isip. lyon ang oras ng paglilibang, ng paghahanap ng aliw. Sina Lorna Tolentino, Suzette Ranillo at Amy Austria ang ilan sa mabiling paninda. Sa oras ng trabaho'y nakangiti, masigla at masaya nilang kinakarinyo ang mga parokyano. Ngunit iyo'y isang bahagi lamang ng kanilang maghapon.
Tulad ng ibang tao, may iba pang yugto ang kanilang buhay. Sa simula'y isang nagigipit na walang malay; siya si Lorna. Isang praktikal na tao kaya, na nagbabakasakaling kung isasabay ang trabaho sa pag-aaral at pagnenegosyo o pagkabit sa isang mayaman ay makaahon din sa kinalalagyan, ganito si Amy. Isang bigo sa pag-ibig at mistulang "babaing ama" ng tahanan na nakasalalay sa pagtitinda ng katawan ang ikabubuhay sa araw-araw, ito si Suzette. Mayroon ding niluma na ng panahon, na gusto mang tumakas ay huli na — sila ang mga katulad nina Laura Danao na sa drugs naghahanap ng sariling aliw, si Ruthie Roces na nawalang parang bula, at marami pang iba. Silang lahat ang bumubuo ng pinagtagpi-tagping kasaysayan ng nakakubling magdamag... sila ang nagtitinda ng Aliw.