The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

DOLPHY: Henyo at Hari ng Komedyang Filipino

  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Pangkaraniwang papel niya ang Everyman na mula sa karalitaan ay humahantong sa tagumpay - at lover boy pa, tulad sa mga sumusunod na pelikula: "King And Queen For A Day" (1963), "Rodolfo Valentino" at "Tayo'y Mag-Up Up And Away" (1970). Matagal siyang nakakontrata sa Sampaguita, pero nang magsara ang pangunahing movie company ay gumawa si Dolphy sa iba't bang studio, tulad ng Lea Productions at Regal Films, at sa sariling RVQ Productions.

Si Dolphy ay ipinanganak noong ika-25 ng Hulyo, 1928 sa Tondo. Ang tunay na pangalan ay Rodolfo Vera Quizon, pero sa iba't ibang panahon ng kanyang pag-aartista'y nakilala rin sa ibang palayaw: Golay, Ompong, Kosme, Pidol, Mang Pidol. Marami siyang minahal kaya't marami ring anak, kasama ang mga nag-artista ring sina Roily Quizon, Sally Quizon, Dolphy Jr., Vandolph, at ang nagawaran na ng Urian best supporting actor para sa pelikula ni Ishmael Bernal, ang "Pahiram Ng Isang Umaga" — si Eric Quizon, na ngayo'y isa nang direktor.

Nagsimula si Dolphy sa tanghalan bilang mananayaw na naging dancing partner pa nga ni Bayani Casimiro. Ipinakilala siya ng matinee idol na si Pancho Magalona sa "star maker" na si Doc Jose Perez ng Sampaguita Pictures, na nagbigay sa kanya ng pangalang Dolphy at ng "break" sa pamamagitan ng mga supporting roles. Sa una'y sa mga pelikula nina Carmen Resales at Rogelio de la Rosa siya napapanood. Pero dahan-dahan siyang nahirang na isa sa mahalagang sangkap sa pormula ng mga box-office hits ng mga maniningning na reyna sa Sampaguita — at pambansang hiyas - tulad nina Tita Duran ("Sa Isang Sulyap Mo Tita," "Isang Halik Mo Pancho"), Gloria Romero ("Bakasyonita," "Teresa," "Lawiswis Kawayan") at Susan Roces (IBoksingera," "Kulang sa Pito, Labis sa Walo"), bilang sidekick ng bidang lalake na tulad ni Pancho o Luis Gonzales.

Nang mga kalagitnaan ng dekada '60, umangat si Dolphy bilang pangunahing artista sa telebisyon, kapartner ni Panchito sa "Buhay Artista." Sa mga susunod na dekada'y naghari pa rin si Dolphy sa telebisyon. Isa sa mga popular na lingguhang komedya sa Pilipinas ay ang "John En Marsha," kung saan katambal naman ni Dolphy ang isa pang hiyas ng pelikulang Pilipino, si Nida Blanca, mula noong '70s hanggang '80s. Naka-ilang tambalan din sina Dolphy't Nida sa "John En Marsha' — sa bersyong pelikula at mga sequel. Nawala si Dolphy sa showbiz nang pansamantala noong matatapos na ang '80s, pero kamangha-manghang nanumbalik siya bilang superstar sa telebisyon - - at sa pelikula na rin - - nitong mga '90s, bilang balong ama ng maraming bata, si Kevin Cosme sa hanggang ngayo'y sikat na sikat na sitcom ng ABS-CBN, ang "Home Along da Riles." May dalawang bersyon ito bilang pelikula ng Star Cinema.

Tuluy-tuloy ang pagiging aktibo ni Dolphy sa sining ng pelikula. Sa gabi ng Ika-21 Gawad Urian, sa paggawad sa kanya ng Natatanging Gawad Urian ng Manunuri, kinikilala at sinasaluduhan ng mga kritiko ang matikas na comic genius at superstar, at ang mahalagang nagawa niya sa ikauunlad ng pelikulang Pilipino at sa ikaaangat ng antas ng kaaliwan at pag-unawa ng mga manonood.