The society of respected film critics that hands out the annual Gawad Urian in cinematic excellence

DOLPHY: Henyo at Hari ng Komedyang Filipino

  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 278.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 355.
  • strict warning: Non-static method Pagination::getInstance() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Only variables should be assigned by reference in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/pagination/pagination.module on line 313.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_validate() should be compatible with views_handler::options_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter::options_submit() should be compatible with views_handler::options_submit($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter.inc on line 589.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_many_to_one::init() should be compatible with views_handler_filter::init(&$view, $options) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/handlers/views_handler_filter_many_to_one.inc on line 104.
  • strict warning: Declaration of views_handler_filter_term_node_tid::value_validate() should be compatible with views_handler_filter::value_validate($form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/modules/taxonomy/views_handler_filter_term_node_tid.inc on line 303.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_validate() should be compatible with views_plugin::options_validate(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Declaration of views_plugin_row::options_submit() should be compatible with views_plugin::options_submit(&$form, &$form_state) in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/plugins/views_plugin_row.inc on line 135.
  • strict warning: Non-static method view::load() should not be called statically in /home/manunuri/public_html/sites/all/modules/views/views.module on line 842.

Ni MARIO A. HERNANDO

PINARARANGALAN ng Manunuri ng Pelikulang Filipino ang hinahangaan at kinagigiliwang superstar ng pelikulang Filipino sa mahigit na tatlong dekada, ang tinitingalang King of Comedy na walang kapantay, walang kupas - - si Dolphy. Bihira sa mga artista ang tumatagal nang mahigit sa apat na dekada; ganyan katagal na sa showbusiness si Dolphy.

Si Dolphy ay hindi lamang isang idolo; siya ay isa ring artist na sa mga nilikhang karakter ay mababanaag ang bugso ng iba't ibang emosyon, ang malawak na pananaw, ang kaluluwa ng Filipino. Kadalasang papel niya'y pangkaraniwang mamamayan - - maralita at api-apihan pero parating masaya, may pangarap, at di nagpapatalo sa bawat paghamon ng buhay; sa bandang huli'y nalalampasan ang sunud-sunod na krisis. Mala-henyo niyang tinatalakay ang bawat pagsubok ng tadhana, at sa nakatatawang paraan at paggamit ng perfect timing, pinapakita ang bawat damdamin ng isang nilalang: saya, lungkot, sigla, panlulumo, kapilyuhan, takot, tapang, kabiguan, tagumpay. Damang-dama ng mga manonood ang pakikipagsapalaran ng bawat karakter ni Dolphy; kitang-kita nila ang mga sarili sa pagkatao nito.

Naging superstar si Dolphy sa magkakasunod na papel na binabae noong matatapos na ang dekada '60 hanggang '70: mula kay Facifica Falayfay at Fefita Fofonggay, hanggang sa seryosong karakter sa pelikula ni Lino Brocka noong 1978, "Ang Tatay Kong Nanay" kasama ang noo'y child superstar na si Nino Muhlach (nominado si Dolphy rito bilang best actor sa Gawad Urian). Sa katunayan, nang nagsisimula pa lang si Dolphy sa showbusiness ay binigyang buhay ang sa una'y di pinapakita sa pelikula - - ang kalagayan ng binabae sa lipunan, pero sa pamamagitan ng pagpapatawa.

Sa mga matagumpay na pelikulang tulad ng "Jack En Jill" (kasama si Lolita Rodriguez na noo'y bihirang lumabas sa mga komedya) noong dekada ng '50, at "Jack and Jill of the Third Kind" pagkalampas ng mga dalawang dekada, pinakita niya kung paano hinaharap ng isang binabae - - isa sa mga "marginalized" sektor ng lipunan - - ang pag-aalipusta at pang-aapi ng mga tao. Aliw na aliw ang mga manonood sa mga pelikulang ito kaya't lahat ng pelikula niyang binabae ang papel ay dinudumog sa mga sinehan. Kasama na rito ang "Omeng Satanasia" noong 1977 at "Darna Kuno" noong 1979.

Ang hindi alam ng mga nakababatang manonood ay ang katotohanang umangat si Dolphy bilang komikero't bida - na hindi binabae - - sa mga pelikulang tulad ng "Mambo-Dyambo" (1955) at "Silveria, Ang Kabayong Daldalera" (1958). Patok ang "Si Lucio at Si Miguel," na kailan lamang ay ni-remake ng anak ni Dolphy na si Eric Quizon. Nakikiayon din siya sa takbo ng panahon. Kapag may sikat na sikat na komersyal sa telebisyon, halimbawa, makasisiguro kang gagamitin ito ni Dolphy sa pelikula niya bilang satirika. Uso ang mga westerns, ang mga pelikulang koboy o cowboys? Koboy siya sa Filipino comic westerns tulad ng "Barilan sa Baboy-Koral" (19962) at "Mekeni's Gold" (1970). Nang sumikat si James Bond ay naging Pinoy secret agent si Dolphy, at nang si Jacky Chan nama'y sumunod kay Bruce Lee bilang martial arts superstar, naging "Dancing Master" si Dolphy. Patok sa takilya ang bawat pelikula. Malaking hit din sa takilya ang isa sa unang pagtatambalan nila ni Panchito Alba (pulis-Maynila sa tunay na buhay, na naging kontrabida sa Sampaguita, bago naging ka-tandem ni Dolphy) sa "Kalabog En Bosyo," na simula lamang ng mahabang panahong pagtatambalan nila. Noong matatapos na ang '60, lumipad si Dolphy patungong Espana kasama ang kasintahang si Pilar Pilapil, at naging "El Pinoy Matador." Noong 1972, bida siya sa "Ang Hiwaga ng Ibong Adarna." Sa kasamaang palad, ang Pilipino version niya ng "Cyrano de Bergerac" at "Ang Sakristan" (na pang-Mahal na Araw noong mga '70) ay hindi tinangkilik ng mga tagahanga, pero pinakita ni Dolphy sa mga ito na naghangad siyang gumawa ng pelikulang halaw sa isang nobelang world classic, o seryoso at malalim ang tinatalakay.